6th

15.4K 670 227
                                    

Girlfriend



Masyadong tahimik at pormal si Aldus bilang driver ngunit sa tuwi-tuwinang pagdaldal ko sa byahe ay wala siyang magawa kundi sagutin ang mga walang kwenta kong tanong at mag-angat ng tingin. Halos ramdam ko na ang buntong-hininga niya sa muling pagtatama ng mata namin sa rearview mirror.


"Sundays," tipid na tugon niya nang tanungin ko kung may day off man lang ba sya.


Pakiramdam ko kasi'y masyado itong abala dahil siya ang tigasalo sa lahat ng other matters ni Vernon. The thought that I'm one of those other matters just made me sick.


Bahagyang nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto.


"Kung ganon, rest day mo pala nung sinundo mo ako sa Tondo?" tukoy ko sa araw na binisita ko si Emma. "Sana sinabi mo para hindi na lang kita tinawagan!"


"It's fine. Mr. Zaldua won't let you commute anyway." nanatiling blangko ang ekspresyon niya. "Besides, he's been planning to get you a car. Gusto niyang ikaw ang pumili. You are scheduled to go to the driving school next Saturday,"


Natigilan ako, brow slightly arched. "With Vernon?"


Hindi siya agad nakasagot. His eyes subtly turned to my reflection.


"No. He has prior engagement during the weekends.."


Hindi na siya muling makatingin sakin. Alam ko namang kasama ni Vernon ang pamilya niya tuwing weekends. Ewan ko ba kung bakit nagtanong pa 'ko.


Pinigilan kong suminghap nang mag-iwas ng tingin. Tahimik na ko sa natitirang oras byahe. Nakapako na lamang sa binatana ang mata.


Mula noon ay mas napadalas ang pagpapalipas ko ng oras sa Calle Nueva. Lalo na tuwing Sabado o Linggo. I suddenly hate being alone in the condo doing nothing. For some reason, the emptiness of the place is suffocating.


Kina Davion na 'ko dumiretso dahil doon naman ang madalas na tambayan. Natigilan pa 'ko nang maabutan si Aysen sa may garahe.


Malimit ko lang itong makita dahil parating abala. Bukod pa ron ay college na siya kaya't bihira naming makasalamuha. Kami nila Cal ang magkaka-batch kaya't mas madalas magkakasama.


"Pasok ka," aniya.


Bagama't abala sa pagkukumpuni ng kung ano ay iniwan niya muna iyon para igiya ako at pagbuksan ng pinto. He even called Manang to attend to me while he was holding the door. Binitiwan niya lang iyon nang tuluyan na 'kong makapasok at saka ito bumalik sa ginagawa.


Dinaluhan ako ni Manang sa living room at iniwan para kumuha ng maiinom. Pinagbuksan niya pa 'ko nang TV ngunit hindi rin naman ako nagpirmi don nang tuluyang mapagtanto na wala ni isa sa mga kaibigan.


Nagtungo ako ulit sa garahe. Natagpuan kong muli roon si Aysen. Saka lang ako nagkaroon ng pagkakataong pasadahan siya ng tingin. His slightly damp hair is telling me that he's fresh from the shower.


"San sila?" tanong ko nang makalapit.


Umangat ang tingin niya sakin.


"Church.." aniya at sinulyapan ang wall clock. "The mass finishes at 11. They'll be home by then,"


Tumango-tango ako. I realized he's now getting the car ready.


"Alis ka?" I asked.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon