17th

13.5K 687 322
                                    

Yung color blue



Hindi ko masyadong natutukan ang pelikula dahil nakipagpalitan ako ng mensahe kay Daxton. Actually, I like better how we are now than before. Para lang kaming magtropa na nagkakilala sa computer shop dahil suki ng laro.


My left palm is lazily pressed on the floor while my right hand is holding the phone.


Daxton:

Edi ayos walang pabuhat


Yun ang tugon niya nang sabihin kong hindi ako makakasama sa game ngayong hapon. Imbes na maasar ay napangisi na lang ako. Gago talaga. As if naman! Laki kaya ng ambag ko!


"Uwi na ko," deklara ko nang matapos ang pangatlong movie. Madilim na rin kasi.


I can't believe I wasn't able to hangout with Einj. Yun pa naman ang pinunta ko rito. Tapos ay hindi lang din kami nagpang-abot. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ito.


Mabilisan ko lamang niligpit ang gamit saka tinapik ang humihikab na si Davion sa tabi ko bago tumayo.


"Oh, Aki san ka?" nadinig ko pa ang tinig ni Calcifer paglabas ko sa kwarto. "Uwi ka na rin? Bahay mo 'to ah."


Hindi na ko nagulat nang maramdaman ko ang presensya ni Aki sa tabi ko. He walked me to my car. Ganito siya madalas kaya't wala na lang sakin. Ang hindi ako sanay ay sa pinagbago ng katawan niya. He really feels different now that his built has matured.


"You're going straight home, right?" anito sa alanganing tono.


"Yup,"


He looks satisfied with my answer. "Alright. Don't stay up late playing games and just sleep,"


Napahagalpak ako. Tuluyan nang nawala ang munting ilang. It's like I'm constantly reminded that no matter how much he develop physically, it doesn't change the fact that he's young.


"Only kids like you go to bed early, Aki." hampas ko sa pwet niya.


Suminghap siya. Nagtiim ang bagang sa kabila ng pagpusyaw ng mukha. "Why do you keep doing that?"


Iritado ang tono nito at salubong pa ang kilay.


"Wala. Ang cute mo kasi." halakhak ko.


He doesn't seem pleased at what I said.


Hanggang sa byahe ay napapailing-iling pa rin ako. Ang cute ni Aki. It must be nice to have a brother like him. Bigla tuloy akong nainggit kay Einj.


Binagsak ko ang sarili sa couch pagdating sa unit. Marahil dahil kagagaling pa lang sa bakasyon ay ramdam ko ang pagod sa first day.


I wasted my time browsing nonsense stuff on the net while lying flat on my stomach. Pinilit ko lamang bumangon kalaunan para ipaghanda ng dinner ang sarili.


Einj called while I was eating. Nalaman niyang galing ako sa kanila kanina. Sinandal ko ang phone sa vase habang ka-video call sya.


"May hinanda pa kasing surprise ang Principal para sa mga bisita kaya natagalan. I got stuck in there for like hours!" aniya tungkol sa student-exchanged program.


"Come on, Einj. It's not like you didn't enjoy the interaction."


I know her so well. Although she gets exhausted staying lively all the time, she does love meeting new people. Especially those from different cultures.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon