4th

16.2K 742 246
                                    

Ito na



Hindi ko pa siya kailanman nakaharap nang ganito. This is the first time.


Labing-isang taon ako nung una ko siyang nakita. Sa larawan lang yun at aksidente pa. Nang maabutan ako roon ay binura kaagad ni Emma ang litrato mula sa phone niya. She was flustered. Ilang beses ko siyang tinanong dati kung anong itsura ng ama ko pero sinasabi niyang wala siyang picture nito gayong meron naman pala.


He never once headed to our place. Maliban sa isang beses na naabutan ko siyang papalabas sa bahay namin. Grade seven ako non at papauwi na sana galing school. Tandang-tanda ko kung paano ako nagtago sa poste habang nakatanaw sa kanya na papasok sa sasakyan. Bukod don ay wala na. It has always been his gofer who appears on our doorstep to bring money. Ganun kababa ang tingin niya samin.


Ang paglapag ng tasa ng kape ang siyang bumasag sa katahimikang namamagitan sa amin. Pormal ang ekspresyon ng assistant niyang tuwid lamang ang tingin sa hinahatid na inumin dito sa tanggapan ng opisina.


"I heard you're into Arts," tipid na ani ni Vernon na nakaupo sa kabisera. Yun ang natatandaan kong pangalan ng ama ayon kay Emma. "In that case, I'll get you transfered to Benilde."


Wala man lang mababakas na emosyon sa mukha niya. Kapwa propesyonal ang ekspresyon at tinig niya. He wasn't a bit shaken nor rattled by the situation more so by my sudden presence. I guess this is no big deal to him, really. I am no big deal to him.


I took in a deep breath and shook my head. "Enroll me to UA&P,"


Ilang taon kong inipon ang sama ng loob sa ama ngunit ngayong nakaupo na sa harap niya ay hindi ko magawang sumigaw at magwala. There's something about his air that baffles me. Kung titigan ay mukha siyang matino at hindi tarantado. Yun pala ay nasa loob ang pagiging gago. Akala mo kung sinong santo.


This isn't how I imagined our first encounter to be. Well, I didn't even dream of having any interaction with him in the first place. Kung paano niya nagagawang umupo dyan habang nagmumukhang hindi gagawa ng masama ay wala akong ideya. Pero kung ano man yun ay tila epektibo dahil ngayong nandito ako ay tila naglaho lahat ng poot na tinanim ko sa puso.


I couldn't even bring myself to touch the drink since I'm still fazed.


"Check out UA&P's background in Arts then prepare to process her papers." mando nya sa tauhan.


Gimbal man si Emma sa desisyon kong lumipat ng eskwelahan ay hindi na siya kumontra o nagbigay ng kumento. Alam kong gusto niya kong tudyuhin sa mabilis na pagbabago ng isip ngunit hindi na lang ginawa. Nung kailan lang ay nagmatigas pa ko ngunit ngayo'y ako pa mismo ang nagkandarapa. I don't want to look at it that way though. Hindi ko na lang binabalikan ang engkwentro upang hindi na masyadong maisip pa.


Mas lalong nagulat si Emma nang ipaalam ko ang tungkol sa pagtira sa Condo malapit sa unibersidad. Vernon suggested it and I thought why not. Maigi pang lubus-lubusin na ang kayaman niya. Hindi naman magbabago ang tingin ko sa kanya kahit anong gawin niya. Isa pa rin siyang nakakadiring nilalang. A bastard who took advantage of a minor.


Bukod kay Emma ay wala nang iba pang nakakaalam ng tungkol sa pag-transfer ko. Walang ideya ang mga taga-VNHS sa magiging paglipat ko. Wala rin naman kasi akong naiisip pagsabihan. Kaibigan o jowa, pareho akong wala.


Dati, akala ko ganda lang ang meron ako pero ngayon sigurado na 'ko. Ganda lang talaga.


Parehong tauhan ang sumundo sakin sa araw ng paglipat. Agad na gumala ang tingin ko sa loob ng sasakyan matapos niya 'kong pagbuksan.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon