32nd

13.9K 736 569
                                    

Marami nang nahalikan




Nasa elevator na 'ko ngunit grabe pa rin ang dagundong ng dibdib ko. Dammit. Nabawasan angas ko ron ah?


Buti na nga lang ay mag-isa ako sa elevator. I shook my head to get a grip. Kinalma ko ang paghinga habang paulit-ulit na pinapaalala sa sarili na astig ako at hindi dapat ako nagkakaganito.


Naglalakad na ko patungo sa unit pero ramdam ko pa rin ang tahimik na paghaharumentado ng sistema. Nagsisimula na 'kong magpanic at pagalitan ang sarili ngunit pinipilit ko pa ring huminahon.


What's the big deal anyway? It's just a kiss on the cheek! Beso lang na maituturing! It's like kissing a baby because of too much cuteness! Normal lang namang manghalik ng bata kapag masyadong cute diba?


Tama! Walang malisya!


Yun ang kumbinsi ko sa sarili ko pagpasok sa pinto. Nagtungo pa ko sa glass walls at hinawi ang kurtina para tanawin ang labas. Nalaglag ang panga ko nang maabutang nandun pa rin si Aki. Right exactly where I left him. Standing still. Lips half-open. Eyes in-shock.


I quickly fished out my phone from my pocket to dial his number. Panay pa ang sulyap ko sa baba habang pumipindot sa phone. Natigilan lang ako nang mahuli siyang tila tahimik na nangingiti maya-maya. He was even trying to suppress it. My jaw dropped. Again.


"Para kang baliw dyan." bungad ko pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag. "Umuwi ka na!"


He must have realized that I was gazing over him through the glass walls but he didn't even bother lifting up his head. He still seems so caught up in the moment.


"What was that?" he breathlessly asked.


"What?" maang-maangan ko.


"You kissed me.."


Umikot ang mata ko.


"So?" pa-cool na sagot ko na para bang hindi bumabayo ng kabog ang dibdib kanina pa.


"But... Kuya Aysen told me na bawal muna ang kiss kapag ligawan pa lang.."


What?! So nanghihingi pa pala sya ng tips and tricks sa panliligaw, huh? At si Aysen pa kamo ang consultant nya?


"Wag ka maniwala ron. Ako ang batas,"


He released a breath. "I'm serious, Seya."


Animo'y hindi siya matatahimik dahil may nilabag kami sa courting etiquette ni God Aysen.


"Fine! Edi tayo na!" wika ko para matunawan siya. "Ayos na?"


He thought I was kidding but I was never the type to talk bullshit. My life is simple. I say words, and I mean it. I don't think too much about what comes off my mouth usually. Basta totoo lang ako sa sinasabi ko. Sa sobrang prangka at taklesa ko nga ay marami na ang nakaaway ko.


Paulit-ulit niya pang sinabing hindi siya nakikipagbiruan. Panay lang din ang sagot ko na seryoso nga. Ayaw maniwala.


I don't know. My head is clouded right now. I don't feel like my most rational self either. Yet everything feels right. Hindi ko alam kung kelan mawawala ang mga ulap sa isipan ko at muling magiging maliwanag ang lahat. But right now, I just wanna live in the moment. Where everything seems nice.


Hanggang sa pag-uusap namin sa telepono kinagabihan ay halos hindi pa rin makapaniwala si Aki. Gusto kong mainis dahil ang OA pero imbes na mairita ay napapanguso lang ako.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon