7th

14.8K 651 630
                                    

Butterflies



Honestly, I wasn't sure how to react.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Kung bakit tila may gumuho sakin ay hindi ko alam.


"Ba't ganyan mukha mo?" halakhak ni Einj habang nakaakbay pa rin sakin.


Napatingin ako sa kanya. Naabutan ko siyang nakaangat ang isang kilay habang natatawang nakatitig sakin.


Suddenly, I wondered how I look at the moment. Do I seem disappointed? Dismayed? Upset? I don't know.. My face just crumpled on its own. Ni hindi ko iyon namalayan.


Einj looks amused. Nakaabang pa rin. Sa katahimikan ko ay sumingkit ang mga mata niya. Nang unti-unting naging mapanuri ang tingin niya ay naalarma ako.


Before she could even open her mouth, I instantly thought of something to say just to save a face and make things light.


"Sayang.." I dramatically crinkled my nose in a joking manner. "Crush ko pa naman," maging ako ay nagulat na iyon ang lumabas sa bibig ko.


Shit. Really, Seya? Crush mo si Aysen? My chest began to panic.


Bago ko pa man mabawi ay humagalpak na si Einj.


Napaawang ang labi ko.


"Normal lang 'yan. Marami talagang nagkaka-crush kay Aysen."


Tila hindi na iyon nakakagulat para sa kanya at normal na lamang. Welcome to the club nga raw. Aniya pa ay marami akong karamay sa College of Medicine. It's just a phase pa nga sabi ng gaga.


Hindi ako sigurado kung nakatulong ba ang sinabi ni Einj. Palagay ko, hindi. I wasn't feeling enthusiastic the whole day.


Kaysa magmukmok ay pinili ko na lang ikibit-balikat ang lahat. Siguro nga ay crush ko si Aysen. But that's just it. Sayang ang ganda kung magiging kabit lang. I fought the urge to roll my eyes. Kung hindi siya para saken, para siyang tanga.


Daanin ko man sa biro ay hindi pa rin ganon kadaling ikubli ang lahat. Funny how I didn't even had the time to seize what I feel. It ends before I can even process it. But well, hanggang doon na lang talaga. The last thing I'd ever want is to ruin a relationship.


Kung tutuusin, Aysen can make a really good friend. I can't wait for the day to come when I can genuinely look at him just as a friend and nothing more.


Pero sa ngayon ay iwas-iwas muna. Pag nakikita ko kasi siya ay halos nakakalimutan ko ang lahat. Parang gusto ko na lang sabihing wala kong pake kung Taken siya dahil tanggalin ko lang naman yung T ay aken na siya.


Kaya naman minabuti ko na lang sumamang mag-simba kina Einj pagsapit ng Linggo. I found out that Aysen also comes with them sometimes but I'm lucky that today is not one of those days.


Yun nga lang ay kina Davion ako sasabay kaya't hindi pa rin maiwasang magkrus ang landas namin ni Aysen. Why do they have to be cousins anyway? Ang alam ko lang, bata pa lang ay kinupkop na raw ng pamilya nila Davion si Aysen para pag-aralin ng Medisina.


"You play Archery?" I tried to be as casual as possible when I saw him at the storage space that morning. Nagsasalansan ito ng mga kahon na may lamang kung anu-ano.


"Yup, I'm an Archer."


Yun ang tawag sa bawat player ng varsity team namin para sa naturang sport. I didn't know he's part of it.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon