26th

12.3K 601 213
                                    

Fair enough



"There!" binato ni Maddie ang sariling phone sa kama. "I asked him out. Shit! I can't look at it!"


Hindi ako makapaniwalang sumama ako sa dorm nila ngayong hapon. Ang tagal na ng huling punta ko rito. Para pa iyon sa groupings noong high school. Tuwing nag-aaya sila mag-hangout dito ay panay na lamang ang tanggi ko. Mas gusto ko kasing tumatambay sa Calle Nueva.


Pero ngayon, ako pa mismo ang nagkusang sumama matapos marinig ang usapan nila habang paalis sa classroom. They were scheming about how to make a move on Aki. Yun lang pala ang makakapagpabalik sakin sa lugar na 'to.


"Online ba sya?" kyuryosong tanong ni Naomi.


"No! Don't touch it!" pigil ni Maddie nang akmang dadamputin nito ang nakataob na phone. "He was offline,"


Hindi na 'ko nagulat doon dahil balita ko kay Einj ay may training ng basketball ang boys ngayon. The whole gang isn't really into that sport actually. Nabuo lang ang team para makaipon ng prize money at makatulong kay Elcid. His family's going through a lot lately. In fact, they moved out of Calle Nueva. Ngayon ay may bago nang kapitbahay sila Einj.


I was feeling uneasy the whole time. Samantalang sila Joy ay kung anu-ano na ang nagawa habang naghihintay na tumunog ang phone ni Maddie. They've already done each other nails while I'm still restless.


"No good." anunsyo ni Maddie kalaunan. "Babalitaan ko na lang kayo. Gabi na eh, wala pa rin."


She checked her phone for the last time then shrugged. For someone who didn't receive a reply in five hours, she looks unbothered. Still confident.


Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang makahinga nang maluwag. You know what? Wala naman akong dapat ikabahala. This is Aki we are talking about! The same cold and snobbish Aki I know. Tiyak akong hindi nito papatulan ang chat ni Maddie. Hell, I doubt he's even gonna open it. There's nothing to worry about!


Kampante na ko. Palagay na ang loob ko nang maghiwa-hiwalay kami ng landas. Dala ko iyon hanggang sa pagtambay sa Casa Leyva kinabukasan.


Nanonood kami nila Cal ng movie sa living room ngunit maya't maya ang sulyap ko sa hagdan. Waiting for someone to go down from there. I know he's upstairs.


My back straightened on my seat when I finally caught a glimpse of Aki coming down from the stairs. Damn, bakit ba palagi siyang walang pang-itaas?


Namataan kami nito sa sala ngunit pumasada lamang ang tingin bago dumiretso sa kusina. Napalunok ako habang sinusundan siya ng mata.


"Refill ko lang 'to," paalam ko sabay dampot sa pitcher na halos kalahati pa ang laman.


Pagpasok sa kitchen ay naabutan kong nagsasalin ng tubig sa baso si Aki. I cleared my throat. Dumapo sakin ang mata niya habang lumalagok.


Hindi ko alam kung bakit ako parang kinakabahan. Ang yabang niya na, huh. Mga tinginan...


"You know Maddie, right?" kaswal na tanong ko habang nagbubukas ng ref. I faked a laugh. "I can't believe she really messaged you! Ang lakas talaga ng trip non! Pagpasensyahan mo na lang,"


Napapailing-iling pa 'ko habang natatawang binubuksan ang karton ng juice.


"Madisson?" paos na wika niya habang nilalapag ang baso. Tamad siyang nagkibit. "Yeah... I'll be going out with her,"


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon