24th

11.9K 602 289
                                    

Ate Seya




Doon ko napagtantong hindi ko na kailangang umiwas pa.


Bakit pa? Kung sya mismo ay wala na ring pakialam. Everything worked out well after all. For the both of us.


He got over his petty little childhood crush on me and I got rid of the burden that caused me.


Kaya naman simula noon ay minabuti kong bumalik na sa mga dating nakagawian. Kabilang na roon ang pakikipag-Valorant kina Davion after class. Hindi naman namin ito araw-araw ginagawa noon pero isa rin ito sa mga namiss ko. Panay din kasi ang tanggi ko tuwing nag-aaya sila noong kasagsagan ng pag-iwas ko kay Aki.


"Ba't dito pa?" tanong ko nang kina Einj kami dumiretso imbes na sa kanila.


"Mas mabilis ang connection," ani Davion.


Napanganga pa ko nang maabutan namin si Cal na nagmemeryenda sa hapag nila Einj. Malaki ang ngisi samin nito at nagawa pang mag-alok. Ni wala nga rito si Einj dahil may hosting gig pa siya ngayong hapon.


Hindi pa rin ako kumbinsido kahit nang nasa gaming room na kami ng mga Leyva. Ewan ko kung nagpapaalam pa ba ang mga ito sa may-ari ng bahay. Nauna pang pumwesto si Cal sa isang PC kahit hindi naman talaga sya dapat kasali in the first place.


"I texted Einj." deklara ko kahit nagsisimula na ang dalawa. "Buti pumayag kahit mamaya pa raw ang uwi niya. Wala talaga kayong manners 'no?"


"Mahal na mahal mo si Einj eh no? Nag kiss na ba kayo?" panggagago ni Davion.


I raised my middle finger at him while settling on my unit.


Calcifer chuckled. "Payag ka bigyan kita 1k kiss kayo ni Einj sa harap namin? G?"


Halos pag-umpugin ko ang ulo ng dalawa. Hindi na bago ang ganitong mga hirit nila. I don't know what's with men and their fascination— or should I say fantasy on women making out.


"'Di nga? Joke lang yung isang libo, kahit magkano! Name the price!" pahabol pa ni Cal sabay halakhak.


Naputol lang ang pangungulit nila nang bumakas ang pinto ng gaming room. Iniluwa noon ang walang pang-itaas na si Aki.


Pumasada ang tingin nito samin bago nagpatuloy sa loob. Dumaan lang ang tingin sakin. He doesn't look quite taken aback seeing me now unlike the other day.


"Valo kami. Sali ka?" ani Davion.


He simply declined and went straight to the table in the corner. Tumikhim ako at binalik na rin ang tingin sa screen.


"Hanap mo?" tanong ni Cal.


"Headphones," Aki answered.


It didn't take him long to find what he was looking for. Sa gilid ng mata'y pansin ko ang pagdampot niya noon mula sa drawer.


"Wala ka naman atang gagawin, sali ka na! Kahit one game lang," aya pa ni Cal.


Umiling ito habang nirorolyo ang cord. "May bisita 'ko."


Cal made his usual mocking sound before grilling Aki on who was it. Hindi na 'ko nakinig dahil ano namang pakialam ko kung parating na ang batchmate niyang si Celine?


Sa sobrang focus ko sa game ay salubong ang kilay ko habang naglalaro. Ilang minuto na ang nakalipas simula nang lumabas si Aki pero hanggang ngayon ay nag-eecho pa rin sa isip ko ang tunog ng pagsara sa pinto.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon