Prologue

4.8K 100 6
                                    

Bakit ganito?

Bakit ganitong sitwasyon ang tinatahak ko?

Bakit lagi nalang ako nasasaktan ?

Bakit  ang mga taong mahal ko pa at ang mga taong pinapahalagahan ko
Sila pa ang magbibigay ng sakit sa puso't damdamin ko

Mahirap bang tanggapin ang sitwasyon ko?

Mahirap ba talaga na kahit anong gawin ko hindi nila ako matanggap. Hindi din naman ako manhid para hindi maramdaman na may awa parin sila sakin kahit hindi ito buo at bukal sa puso nila. Ramdam ko parin na may halaga parin ako sa kanila o guni-guni ko lang yun?

Kung guni-guni lang yun o totoo na man yung nararamdaman ko wala naman akong magagawa.

Kung ito talaga ang magiging buhay ko sa mundong ito

Tatanggapin ko na kahit sobrang sakit
Kahit sobrang hirap

Nagpagisipan ko narin na magpakalayo layo dito sa buhay na kinabibilangan ko

Dahil hindi naman nila ako matanggap bilang anak nila na bunga ng nakaraan nila dahil ako lang naman ang isa sa kambal  na nabuo dahil sa" RAPIST ".

Hindi ko man alam ang pangyayare noon pero kahit bata pako alam ko na ang kahulugan ng salitang rapist.

Kahit bata palang ako halos isinusumbat na sakin ng paulit-ulit ng sarili ko pang-ina na nagluwal sakin na isa lang akong bunga ng panggagahasa at masalimuot na nakaraan.

Kaya iwas sakin si mommy at mama pero alam kong may pakielam parin sila sakin kahit lagi nilang pinaparamdam ng sobra ang kanilang nilang pagkamuhi sakin

Sa katunayan hindi ko rin maiwasan na hindi mainggit sa aking kakambal or Half sister dahil mag kaiba kami ng ama.

Lagi ko silang nakikitang masaya, namamasyal at halatang mahal na mahal nila ang isa't isa kahit na walang ako.

Kaya sa tuwing nakikita ko silang masaya at isang buong pamilya. Hindi ko maiwasang umiyak nalang sa isang tabi at kayakap ang manikang binigay sakin ng isang special na tao.

Kaya buo na ang desisyon ko na magpakalayo sa kanila

Kahit balang araw man lang at kahit imposible sana maging isa rin ako sa parte ng pamilya nila yung tanggap ka talaga na anak ka nila hindi sa kasarian kasi tulad ko rin sila, kundi sa ituturing ka nilang tunay na kadugo at anak sa parte ng pamilya.

Di ko lang alam kung kailan pero sana...

Saka wala namang masamang mangarap diba? Kahit imposibleng mangyari.

Kahit umalis ako ng matagal na panahon at nagkunwaring patay  

Babalik din ako balang araw.

I'll Be Back... Soon...

**********

WARNING: NO PLAGIARISM

(Edited)

I'LL Be Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon