Akim P.O.VTapos na ang lahat ng klase ko pwede na rin akong umuwi para makatulog na.
Kung nagtataka kayo kung bakit wala sa labas ang dalawang mokong at hindi ko kasama pa sa ibang subject dahil umalis na sila ng maaga at hindi na pumasok .
Si Devin sakto naman daw na nung pinalabas sya ni Sir panot nag text ang ate nya na may emergency sa kanila hindi naman sinabi kung ano.
Si Shanill naman sayang daw yung oras nya kung tatambay lang ng 2hrs sa labas kaya nagdesisyon nalang syang pumasok sa trabaho nya sa may Coffee Shop . Malapit dito sa school kaya madali narin sa kanya pag kailangan nyang dumeretsyo dun after ng klase nya. Kaya yung mokong nayun inistraight na kaya hindi na pumasok .
Hays , dalawa talagang yun.
Yung Dalawang girls naman hindi nagtetext sakin. Baka busy pa sila.
Kaya dumeretsyo na ako ng parking lot para kunin yung motor.
Sumakay nako at pinaandar para makauwi na.
Nasa kalagitnaan na ako ng highway pauwi samin ng... Oh Sh*t nakalimutan kong puntahan si Abby sa Condo nya.
Kaya hindi nako nagdalawang isip na bumalik at pinasibat ng mabilis ang motor para makapunta agad .
**
Nandito na ako sa Condominium. Ang laki halatang puro mayayaman ang nakatira talaga dito.
WD Condominium.... Familiar ..... Pero dun lang din nag sink in sakin kaya pala pamilyar ito dahil pagmamay ari din nila Abby at ..... Nevermind
Nagbuntong hininga muna ako bago dumeretsyo sa entrance pero hinarangan ako ng Guard.
" Sir, Kailangan po muna ng permiso kung sino man po yung dadalawin nyo. " Sabi ng Guard sakin.
" Pupuntahan ko sana si ABBIGAIL LACE DANRILL isa ako sa kaibigan nya si Akim po . " Sabi ko naman dito sa guard.
" Ok Sir, sandali lang po itatawag ko po muna sa kanya." Sabi ng guard at umalis muna ito saglit para tawagan si abby.
Nilibot ko muna yung paningin ko sa loob ng condominium na ito. Ang ganda ng pagkadesign ,white and gold ang kulay lahat , nakakalula , nakakasilaw na akala mo nasa paraiso kana at miski alikabok mahihiyang dumapo saan mang sulok ng condo na ito saka parang manliliit talaga yung mga taong hindi tulad nilang mayaman at isa na ako dun.
" Sir, pwede napo kayo pumasok naghihintay na po sya sa inyo sa may Pent House. " Sabi ng Guard sakin
Nagpasalamat ako sa kanya at binigyan ako ng access card saka tinuro yung Private Elevator na deretsyo ng papunta sa Pent House ni Abby.
Habang nasa Elevator parin hindi ako mapakali dahil sa sobrang kaba na baka may kasama si doon. Paano ko sila haharapin. Paano nila nalaman na bubay pa ako.
Nagbuntong hininga muna ako bago lumabas ng Elevator. Nanginginig ang kamay ko sa pagabot ng doorbell sa may pindutan ng condo nya. Hindi ko pa naman napipindot ay nagbukas na ito at bumungad ang isang dyosang babae.
Nakatulalang nakatingin sa kanya at animoy tinatandaan ang bawat parte ng katawan nito. Sa ganda nito ay wala kang mapipintas.
Napatitig din ako sa mata nyang mala- asul na dagat at nagniningning na parang bituin sa langit na sobrang kaakit akit .
Hindi ko na namalayan ang paglapit nya sakin pagkawit ng kanyang dalawang braso sa aking leeg at unti unting lumapit ....
" I miss you so much Love... " Bulong nito sakin habang nakatitig sakin. Pansin ko rin ang pamumuo ng luha mula sa asul nyang mata na tuluyan ng tumulo sa kanyang pisngi. Kaya kinabig ko ito payakap.
Sa sobrang pagkasabik na mayakap sya.Kahit ako sobra kong tiniis ang lahat kahit ang paglayo sa kanya ay sobrang sakit at Ang kay hirap tanggapin pero ngayon nandito na sya sa harap ko at kayakap.
My LoveLace....
Chappy 7: END
BINABASA MO ANG
I'LL Be Back
FanfictionSi Akim Dawnson ay isang intersex ngunit hindi siya tanggap ng kanyang pamilya. Hindi dahil sa kanyang kasarian kundi dahil sa sitwasyon na kisadlakan ng kanyang magulang at siya lang naman ang naging bunga ng isang masamang pangyayare at bangungot...