Chapter 1

2.9K 77 3
                                    

Present

Akim P.O.V

'It really hurts ang magmahal nang ganito
Kung sino pang pinili ko,  hindi makuha nang buo

Hanggang gano'n na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin
Na sa puso mo, mayro'n na ngang ibang umaangkin

At alam ko na rin na mayro'n nang nagmamay-ari
Sa pag-ibig sa iyo, ako itong nakikihati .... '

Napahilot nalang ako sa sentido dahil sa pinaggagawa ng kapatid ko sa paligid ko. Ikaw ba naman sayawan ng kaabnormalan habang nag- aaral, Hays.

Iba na epekto ng tiktok sa kapatid ko nato pwede ng iparehab, tsk.

" Ellie! Pwede ba tigilan mo muna yang pagtitiktok mo, kung gusto mo dun ka sa labas hindi yung mangiistorbo ka dito!." Inis kong sambit sa abno kong kapatid.

" Eh toh namang si kuya ang KJ. " pag kasabi nya nun lumabas na sya ng kwarto ko at padabog na sinara ang pinto. Sa dami dami ba naman kasing bibwisitin ako pa dinadamay sa kalokohan nya.Hayss..

Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa pag aaral. Kailangan ko ito para sa future ko at namin ng pamilya ko.

Hindi naman kami mahirap pero sakto lang para makakain ng maayos. Nagwoworking student ako para may pangtustos kami kahit papaano sa pangangailangan namin. Scholar naman ako at ang kapatid ko sa University na pinapasukan namin kaya yun medyo nakakaluwag kami sa mga bayarin at hindi na mamoblema si mama sa pag-aaral namin. Kaya nagsusumikap kami ng kapatid ko para hindi mawala yung pinaghirapan naming kunin para makapagtapos ng pag aaral.

Nasa 1st yr College nako. Sa kursong IT and Business Ads. Dalawang kurso kinuha ko pero major lang sa Business ang kinuha ko dahil yun yung importante dahil natetake ko naman ang ibang minor sa IT course ko.

Tok* tok *tok*

" Bakit!? " Sagot ko naman sa kumakatok ng pinto ko may ginagawa pako eh istorbo.

" Kakain na daw kuya sabi ni Mama! Kaya bumaba kana dyan kung hindi ipapakain daw ni mama yang mga papel sayo at yan ang magiging hapunan mo hindi yan nakakabusog sige ka Hahahaha!!." Natatawa nitong sabi sakin bago mabilis na  umalis sa harap ng kwarto ko at  hindi nako hinintay pang sumagot.

Napailing nalang ako at inayos na ang mga gamit baka gawin talaga sakin ni mama yun
Ayaw nya kasi kaming nalilipasan ng gutom lalo na't kahit may ginagawa ka na kailangan mong tutukan.

Si mama nalang kasi ang kasama namin ng kapatid kong si Ellie. Si papa naman maagang  namatay  dahil sa pinapasahero nyang jeep ng gulay nawalan daw yun ng preno kaya hindi na nagawang makaiwas ni papa lalo na't bangin ang kalapit din nya once na lumiko sya.

Masakit man tanggapin pero ganun talaga ang buhay may namamatay , may mawawala pero hindi yun dahilan para sumuko ka o kayo ng pamilya mo sa pagsubok na binibigay ng tadhana sayo .

Sabi nga nila " Kahit anong pagsubok ang harapin kaya nating lampasan ".


Kinabukasan...

Lumabas nako ng kwarto ng maayos ko na ang mga gamit ko.

Maaga akong nagising dahil may pagka strikto ang mga professor sa University na pinapasukan ko. Mahigpit din ang sekyuridad nila . Lalo na yung ' No ID, No Entry ' tsk. Minsan pa naman makakalimutin ako kaya nilalagay ko na sa bag ko yung ID pag kahubad ko nito pauwi.

" Good morning, Mama! " Bati ko dito sabay halik sa pisngi nya habang nag aayos ng pagkakainan namin.

" Good Morning din sa gwapo kong Anak. Oh etoh kumain kana baka malate kapa sa pagpasok." Sabi ni mama at nilagayan nako ng kanin at ulam sa plato.

" Salamat Mah , Ah mama si Ellie sasabay ba sakin? " Tanong ko din habang kumakain.

" Ah Oo anak sasabay yun saka pababa narin yun takot lang nyang mamasahe dahil mababasan nanaman daw yung allowance na binibigay mo sa kanya hahaha." Natatawang sabi ni mama.

May pagka kuripot din kasi ang kapatid kong abnormal nayun ayaw masyadong bawasan yung pera keso daw itabi nalang at para sa importanteng gastusin lang yun.

Oh dba mana sa sakin na kuripot din hahaha pero ayos narin kesa sa mga gastusera dyan

May narinig naman akong yabag pababa ng hagdan at si Ellie na nga yung bumababa.

" Good morning Mama at Kuya kong Unggoy!" Bati nito sabay halik sa pisngi namin ni mama.

Sumimangot nalang ako tawag nya sakin.
Abnormal talaga.
Umupo na ito para makakain narin.

" Kuya, sabay ako sayo ha? Pareho lang naman tayo ng pinapasukang University." Sabi nito.

" Ayoko." Sagot ko naman sa kanya

" Mama si Kuya oh! Ayaw ako isabay huhuhu!" Sumbomg nito kay mama at kunwaring umiiyak.

" Nakuh Ellie pag di ka sinabay nyan platan mo yung gulong ng motor nya para mabawasan din pera nyan hahaha." Sulsul naman ni mama sa Abnormal na ito.

" Narinig mo yun kuya? Pag di mo ko sinabay alam mo na hahaha." natatawa din nitong turan sakin sabay dila pa.

Napailing nalang ako sa pinagsasabi nila kaya nagmadali nako sa pag kain at baka malate pako sa first subject ko.

" Wait lang kuya! " Sigaw nito sakin ang bagal kasi kumain inuuna pa yung dada.

" Mah ,alis na po kami! " Sabi ko naman kay mama at sumakay na ng motor.

" Helmet?. " Tanong sakin ni Ellie.

" Sasabay ka pala.?" Tanong ko rin dito hahaha.

Sumimangot naman ito kaya binigay ko nayung helmet baleh tig isa kami para safe.

Sumakay na sya at kumapit sakin. Pinaandar ko na ang motor at umalis na.

Ako nga pala si Akim Dawnson. 18 years old. 1st year College. Senior muna dapat ako kaso nag-Excel nako dun kaya nasa College na agad ako.

Si Ellie Dawnson ang kapatid ko 13years old. 2nd year High school. Kahit abnormal yung kapatid ko matalino rin yan mana mana lang hahaha.
Nag-aaral din sya sa Universiting pinapasukan ko kaya nagkakasabay kami lalo na't babae pa itong kapatid ko.

On My way in our Shool ... See yah!




Chapter 1: End

Thanks for Reading 🤗

(Edited)

I'LL Be Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon