Chappy 31

2.1K 68 21
                                    

Akim POV

"Akim please mag usap tayo!." Kanina pa na sya nagmamakaawa na mag usap kami pero galit parin ako sa kanya

Kahit kaibigan ko sya mali parin ang ginawa nya noon

Hanggang ngayon kasi galit parin si abby sakin dahil sa naabutan kami ng sa position na hinalikan ako ni Hans

"Hans please. Nagmamakaawa din ako sayo na tigilan mo muna ako pwede ba!? Kahit kaibigan kita mali parin yung ginawa mo at galit ako dahil sa maling ginawa mo. Hindi ko alam kung bakit mo yun ginawa Hans magkaibigan tayo ." Pakikiusap ko sa kanya

Magkaharap kami na naguusap at sya itong nakayuko dahil alam kong nasasaktan din sya

"Dahil mahal kita Akim. Matagal na bago pa kita maging kaibigan. " pang aamin nya sakin at sunod nun ay pagtulo ng luha nya

Hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman nya sakin pero mali

Hindi ko sya mahal

Kaibigan lang ang turing ko sa kanya at si abby lang ang mahal ko at wala ng iba

"I'm sorry Hans . Hindi ko maibibigay ang pagmamahal na gusto mo pero Mahal kita bilang Kaibigan ko at para naring nakakatandang kapatid sakin." Pagpapaliwanag ko dito at kahit ako ay nahihirapan narin sa sitwasyon namin

Ayoko ng ganito

Gusto ko yung dati na wala pang gulo

Masaya kaming magkakasama

Pero ngayon naiiba na pero nais kong maibalik parin

Tiningnan ko naman ito at hinihintay ang sagot nya pero patuloy parin ito sa pag iyak
Akma ko na syang lalapitan at hahawakan

Bigla naman itong tumakbo palayo sakin

" Hans! " Tawag ko sa kanya pero patuloy lang ito sa pagtakbo

Wala akong choice kundi sundan sya dahil baka mapahamak pa sya

Binilisan pa nito ang pagtakbo dahil sa ramdam nyang nakasunod ako sa kanya

Binilasan ko din ang takbo para maabutan ko sya dahil malapit na sya sa kalsada kaya todo ang kaba ko kapag hindi pa sya huminto baka ikapahamak  pa nya

" HANS! PLEASE STOP THERE!!!"

Kunti nalang maabutan ko na sya at sya naman itong nakahakbang na sa kalsada at may parating na sasakyan

Malapit na itong abutan kaya tinakbo ko syang hinila at niyakap papunta  sa kabilang kalsada

Dahilan para magpagulong gulong kaming dalawa

Niyakap ko ito ng mabuti para hindi sya gaano masaktan

Kalaunan Isang matigas na bagay ang naramdaman ko

Masakit pero tiniis ko

Dahil mas mahalaga ang kalagayan na ligtas si Hans kesa sakin

Minulat ko naman ang aking mga mata medyo naglalabo ang paningin ko pero sinubukan ko paring tingnan kung maayos pa ang kalagayan nya

Nakayakap pa ako sa kanya at parehong nakahiga sa tabing kalsada may mga taong nagkakagulo para tulungan kami

"H-ans " nanghihina kong tawag sa kanya ngunit hindi ito nagsalita

Wala itong malay kaya lalo akong kinabahan

Pinipilit kong bumangon ngunit bigla namang bumagsak ang katawan ko

May mainit na basa akong nakapa mula sa uluhan ko

Tiningnan ko ito mula sa kamay ko at nakita kong dugo pala ito

Nanghihina akong napapapikit dahil hindi ko na kaya pa

Bago pako mawalan ng malay at sinulyapan ko si Hans na walang malay at may sugat pa ito.

Ramdam ko narin ang hirap ng paghinga ko at sunod nito ay pagkawala ko na ng malay







Abby POV

"Oh bakit ganyan nanaman ang itsura mo hindi maipinta ?." Nakakairitang tanong ni Dallies

Alam naman nyang wala ako sa mood magtatanong tanong pa

Hindi ko ito sinagot at iniwan syang nakatayo sa labasan ng gate ng school

Habang naglalakad akong patungo sa Building Department namin

Puro mga studyante na nagchichismisan ang nakikita ko at naririnig ang mga walang kwenta nilang pinagsasabi

Dagdag narin sa pagkairita ko ngayong araw

Bubulyawan ko na sana ang mga taong nakaharang dadaraanan ko ng may narinig akong pinaguusapan ang taong matagal ko ng iniiwasan

"Kawawa naman sila nuh hindi nga sila nasagasaan pero malakas naman yung naging impact ng pagkatama nila sa tabing kalsada." - G1

"Si Akim yung isa dba? Yung kasama nyang babae  Hindi ko nakilala dahil kayakap nya ito na walang malay makikichismis pa sana ako nun kaso may klase pa akong papasukan."- G2

Mabilis ko naman silang nilapitan at pareho naman silang nabigla sa paglapit ko

"Ano yung pinaguusapan nyo tungkol kay akim? " malamig na sabi ko sa kanila

Tila naman namutla sila dahil sa naging tono ko pero wala na akong pakielam ang gusto kolang ang malaman kung bakit nila napagusapan si akim

"Ah a-no po ka-si Ms. Darill si akim po kasi naaksidente kaninang umaga lang po malapit dito sa may school dahil sa pagligtas nya sa babae kanina." kinakabahang sabi sagot sakin ng isang babae

"Alam nyo ba kung saang hospital sya dinala?"

Umiling naman sila bilang sagot

Tumango naman ako sa kanila senyales na pwede narin silang umalis kaya mabilis  silang nakaalis sa harapan ko

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko
Kaba. Takot . Halo halong emosyon

Kailangan ko syang hanapin para malaman ko na kung ligtas ba sya dahil hindi ko kakayanin na mawala nanaman sya sakin

Please ,akim kung nasaan kaman lumaban ka.

Chappy 31 End

I'LL Be Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon