Abby POV
Mabilis kaming nagtungo sa Hospital na pinaldahan kay Maki. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na may hinahanap ako pero sobra akong nagpapasalamat sa tulong nya para mapuntahan ko si Maki.
Bakit kasi umarangkada pa yung galit mo kaysa pakinggan sya ng may kahalikang iba . Iyan tuloy may nangyare sa kanya at nadisgrasya pa kasama yang babae nya.
singit ng mahadera kong isip.Ano naman gagawin ko eh nasaktan din naman ako at ayoko ng may kahati sa kanya lalo nat panget pa ang ikakabit nya. hah! . Kulang pa ang sabunot sa babaeng yun kung di lamg ako naawat ni Maki baka binalibag ko na sa bintana yung Lintang Morfin nayn. Hayss.., tsk.
Flashback
Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin na hospital dahil kanina pa ako nagtatanong kung saan dinala ang naaksidente kanina pero lahat sila hindi alam kaya nandito lang ako sa may waiting shed umiiyak at hindi mapakali.
" Kaysa tumunganga ka dyan puntahan mo na sya sa Monte Hospital baka nag-aagaw buhay nayun ngayon . Sige ka mawawala nanaman sayo yang mahal mo. " biglang sabi ng taong nasa likod ko.
Nagulat naman ako dahil sa biglang pagsalita nito at paglingon ko ay si Shawn ang nagsalita mula sa likuran ko. Paano nya nalaman na may hinahanap ako?
" Paan-- " putol nya sa sasabihin ko
" Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman kaya magmadali na tayo kaysa tumunganga kalang dyan." Pagkasabi ni Shawn ay hinatak nya ako papuntang kotse nya para mabilis na makapunta sa hospital.
Hindi na ako nakaimik kahit naguguluhan parin ako dahil sa may alam na si Shawn.
Flashback End
Nasa tapat nako ng Room na pinadalhan kay Maki. Si Shawn ang nagtanong sa Nurse kaya nung marinig ko kung ano ang room Number nya mabilis nako tumungo dito na hindi na hinintay si shawn kahit tinatawag ako nito mula sa likuran.
Huminga muna ako ng malalim at pinihit ang doornob ng pinto. Sobra akong kinakabahan dahil sana naman hindi malala ang nangyari sa kanya kung hindi di ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Walang hiya kasing higad nayun eekse eksena sa relasyon namin. Kung hindi din dahil sa kanya hindi kami magkakaganito. Hindi ako magkakaganito at wala dapat sa sitwasyon ngayon sa ganitong sutwasyon si Maki.
Dahan-dahan ko itong binuksan at lumapit sa kanya tumambad sakin ang taong nakahiga sa hospital bed at makina na sya lang ang maririnig mo dito sa loob ng kwarto.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na ngayon ko nalang ulit nahawakan dahil sa pag iwas ko sa kanya.
May benda ang ulo nya at may mga sugat ang mukha nya pero hindi parin mababawasan ang ganda ng kanyang mukha.
Naiiyak ako dahil sa sitwasyon nya ngayon.
Paano kungmagising sya hindi nya ko maalala?
Paano kung mangulila na naman ako sa kanya?Sana. Sana hindi mangyare yun tulad ng napapanood at nababasa.
Mahigpit ang hawak ko sa kamay nya at ramdam ko parin ang init ng palad nya na gusto kong humahaploy sa aking pisngi at sa aking kabuuan.
I'm sorry Maki...
______________________________________
BINABASA MO ANG
I'LL Be Back
FanfictionSi Akim Dawnson ay isang intersex ngunit hindi siya tanggap ng kanyang pamilya. Hindi dahil sa kanyang kasarian kundi dahil sa sitwasyon na kisadlakan ng kanyang magulang at siya lang naman ang naging bunga ng isang masamang pangyayare at bangungot...