Someone P.O.VHalata namang sinadya nya banggain si akim.
Kapal talaga ng mukha gusto lang naman magpapansin
At tila ba may pang aakit na pinaparamdam ito sa kanya.Tsk. Mukhang may magiging karibal pako kay akim ha.
Hindi porket may kataasan ka wala nakong laban sayo
Akin lang si akim...
Akin lang sya...Hindi sa ngayon but soon....
Shawn Lee P.O.V
Sino kaya ang lalaking iyon parang ang laki ng impact sakin.
Para bang gusto ko syang yakapin
Parang matagal ko na syang kilala
Para bang pakiramdam ko bumalik ulit yung kuya kuyahan ko
Pakiramdam ko din na may namimiss ako...Tinitigan ko sya ng mabuti pero para talagang pamilyar sya parang may kahawig.
Hindi ko mapinpoint dahil sa nakatabing na salamin sa mukha nya.
Pero Para talagang syang si.....
" Hoy Shawn !!!! Back to earth na baka mawala kapa ! "Sigaw ng katabi ko sabay Biglang batok sakin.
"Bakit ba hilig mong mamatok Dallies ha!?" Inis ko namang sabi dito habang hinihimas yung ulo kong sinaktan nito.
" Haler Shawneng kanina pa kami dumadaldal dito pero ikaw ang layo ng nararating mo magiibang planeta kana ba!?" Mapang asar nitong tanong.
Baliw talaga itong gagang toh planeta agad dba dapat dito lang sa paligid. Haynakuh.
" Ikaw lang daldal ng daldal dyan daldalita !" Inis naman na tugon ni Therence.
Ngumuso naman si Dallies " Eh kasi naman ang tahimik nyo halos kuliglig nalang naririnig ko dito sa pwesto natin!" Pagrereklamo naman nito.
Binatukan ko naman din sya.
" Bakit ka namamatok!?" Galit na sigaw nito.
Nagkibit balikat nalang ako at tumingin saglit sa gawi ng lalaki na nakabungguan ni abby at sa mga kasama na nitong mga kaibigan nya pero mukhang may jowa narin pala dahil may nakakapit yung babae sa braso nito.
At si Hans Morfin pala yung nakakapit na parang tuko dun at isa sa anak ng investors namin dito rin pala nag aaral . Hmmm... Sabagay anak mayaman rin tulad namin.
" Kung balak mo lang torturin yang pagkain mo abby pwede mo bang bigay mo nalang sakin sayang naman kase." Sabi naman ni Rence takaw.
Nabaling naman ang tingin ko kay abby na nasa ibang dereksyon nakatingin habang tinotorture ang pagkain nya para bang sa ginagawa nya parang tao pinapatay nya napangiwi nalang ako sa naisip ko nayun .
Kami namang tatlo sinundan naman yung dereksyon kung saan nakatingin si Abby.
So.... Sa grupo pala ng Lalaki kanina na dun parin nakakapit si Hans..
Aaahhhh lam na.... Nagseselos ang reyna... Tsk tsk tsk..
Sabi nangaba kilala nya yun eh
Sinadya nya talagang banggain ang lalaki
Ewan kung bakit kaya pinanood nalang namin siya..." Humanda ka sakin mamaya." Gigil na bulong naman ni abby pero rinig ko rin naman.
Rinig ko namang pigil ang tawa ng dalawa dahil napapansin din nila ito pero hindi naman pinansin ni abby .
Hmmm... Ano kaya namamagitan sa dalawa?
At sino naman kasi ang lalaking yun.......
Hmmm....may lahi nga pala kaming imbestigador so let's see kung sino kanga at aalamin ko yan...
Hindi ko naman gagawin toh kung sino kalang....
******
" Nararamdaman nyo naba yung feeling na kahit hindi mo sya kilala may nararamdaman ka nang kakaiba mula sa kanya at nafifeel mo na parang ang lapitt nyo na sa isa't isa kahit hindi kayo magkakilala pa?
Na Feel nyo nayun? "******
Chappy 15: End
BINABASA MO ANG
I'LL Be Back
FanfictionSi Akim Dawnson ay isang intersex ngunit hindi siya tanggap ng kanyang pamilya. Hindi dahil sa kanyang kasarian kundi dahil sa sitwasyon na kisadlakan ng kanyang magulang at siya lang naman ang naging bunga ng isang masamang pangyayare at bangungot...