Akim P.O.V"Oh ang aga natin ha!?" Natatawang Tanong ni Shanill isa rin sa kaibigan kong abnormal.
Baleh lima kami sa Tropa .
Binatukan naman ni Devin si Shanill. "Hindi kana nasanay sa bunso natin."natatawa rin nitong turan sakin.
Yeah bunso ako sa tropa namin dahil sila nasa 20's na mga gurang na nga. Parepareho kaming 1st year College.
Kami nila Shanill at Devin magkakasama sa IT Department at yung dalawa naman na sila Hans at Valine sa Business Department ko nakilala dahil kumukuha din ako ng kursong Business.
Speaking of Hans and Valine palapit narin sila sa amin. Sabi ko kasi sa kanila agahan ang pagpasok at mukhang ginagawa naman nila. Kilalang mga late commers talaga yung apat na bugok nayun buti nalang unti unti namang nagbabago.
"Good Morning Trops!!" Bati samin ni Hans.
Si Hans yung medyo may pagkabibo samin , isip bata kung minsan. Babae sya girling girly manamit at kumilos. Wag mo lang gagalitin baka mapatay ka .
*Chuckles*. Kahit anak mayaman yan simple lang sya at hindi ganun kaarte tulad ng iba.
" Walang maganda sa umaga kung ikaw naman yung nakikita." Singit naman nitong si Devin.
Si Devin isa ring Lesbian. Gupit lalaki , ayos lalaki, kilos lalaki at syempre Poganda (Pogi at maganda). Intersex. Galing sa mayamang pamilya.Open din sya sa pamilya nya kaya walang problema kung ilalantad nya yung totoong sya pero kahit may ibang humuhusga sa kanya wala syang pakielam.
"Pwes! bulagin mo nayang mata mo para wala kanang makita!!! , Gag* ka!. Nakakasira ka ng araw." Galit na sabi ni Hans at Aktong susugod ito kay Devin pero agad namang inawat ito nila Shanill.
"Oopss! Aga aga mag-aala pusa't aso nanaman kayo! Sige kayo kalaunan nyan magkakatuluyan talaga kayo hahaha." Biro naman ni Shanill.
Si Shanill naman Lesbian din kaso hindi sya tanggap ng magulang nya kaya bumukod na sya ng bahay dahil ayaw nyang may masabi pa ang mga magulang nya sa kanya.
Inalisan sya ng mana dahil dun pero hindi parin sya nagpatinag kaya nagtrabaho sya at pumasok ng scholar dito sa university. Pormang Lalaki na sya manamit at kumilos kaya Open sya dito at samin.May pagka Babae talaga sya di tulad namin ni Devin na intersex." Eeeewwww!"
" Yaks!"Parehong nandidiri sa isa't isa . Kaya napatawa nalang kami sa reaksyon ng dalawang bugok. Kunware pa yung mga tuh.
"Tara na nga sa Cafeteria maaga pa naman at nagugutom pa ko." Singit naman nitong si Valine. Patay gutom kahit kailan.
Si Valine tulad lang rin ni Hans na girly. Mayaman din ang angkan pero simpleng pamumuhay lang ang gusto nya kaya nagwoworking student sya pero para pumayag ang magulang nya sa condo parin sya titira. Mabait naman yung mga magulang nya kaya wala syang problema dun.
"Tara nanga nagugutom din ako." Segundo naman ni Shanill isa ring patay gutom
Sumunod nalang kaming tatlo sa dalawang patay gutom.
*Cafeteria*
" Ako na bibili at libre ko narin sa inyo." Presinta naman ni Hans.
"Yun oh may manlilibre rin sa wakas!." Masayang sabi naman ni Shanill.
Napatawa nalang kami sa inakto nitong si Shanill. Tinanong naman kami ni Hans kung ano ang order namin .
"Samahan na kita Hans." Sabi naman nitong si Devin.
Hindi naman sumagot si Hans dahil umalis na ito papuntang counter. Sumunod naman na itong Bugok. Napaghahalataan na talaga hahaha.
Oo nga pala isa rin ako sa kanila. Lesbian at isang intersex tulad ni Devin.Gupit Lalaki, lalaki ding manamit at kumilos. Napapagkamalan talaga kaming tunay na lalaki dahil sa porma naming ito. May pagkanerdy look ako pero hindi yun nakakabawas sa kapugian ko. Naks! Hahaha.
Ilang minuto nalang din ay dumating na si Devin at Hans dala ang mga pagkain namin.
Habang kumakain nagkwentuhan kami at nagtawan tungkol sa mga kalokohan na ginahawa namin tuwing magkakasama kami.
Nang matapos na kaming kumain sakto naman ang pag bell na ibig sabihin umpisa ang susunod na klase.
Hinatid muna namin sila Hans at Valine sa Department nila bago kami pumuntang tatlo sa Department namin.
Chappy 2 : End
(edited)
BINABASA MO ANG
I'LL Be Back
FanfictionSi Akim Dawnson ay isang intersex ngunit hindi siya tanggap ng kanyang pamilya. Hindi dahil sa kanyang kasarian kundi dahil sa sitwasyon na kisadlakan ng kanyang magulang at siya lang naman ang naging bunga ng isang masamang pangyayare at bangungot...