Chappy 16

1.1K 46 3
                                    


Abby P.O.V

Humanda ka talaga sakin Maki talagang harap harapan ka pa nakikipaglandian sa babaeng yun ha!

Once na malaman ko talagang may namamagitan sa inyong dalawa nakuhhhh maki makikita mo !!!

*Ding dong* Ding dong* Ding dong*

Tunog ng doorbell sa condo ko.

Mabuti naman at nandito na sya humanda kang Lupa ka!

" Ah Hi My LoveLace." Bungad sakin ng taong kanina ko pa pinanggigilan sa isip ko.

Sinamaan ko naman ito ng tingin at Tinaasan ko ng kilay .
Ano sya sinewerte?

Nakikipaglandian sa iba ng harap harapan tapos may gana pa syang mag Hi na parang walang ginawang masama.

(Inner: Wag mo syang sisihin wala namang kamalay malay yung tao sa sinasabi mo.)

Ah basta kasalanan paring lumandi sa iba kahit meron na sya.

Halata naman dito na kinakabahan sya dahil nga wala ako sa mood ngayon.

" May problema ba Abby?." Kinakabahang tanong nito sakin.

" So abby nalang ha!?" Sigaw ko naman dito.

Bigla naman itong nagitla dahil sa pagsigaw ko sa kanya.

" Eh a-no ka--si." Utal na pananalita nito

" Ano!? Tatayo kalang dyan sa labas at iintayin mong tubuan ka ng kabute ganun!? Pumasok ka dito at maguusap tayo tungkol sa kalandian mo!."

" Aray! Love Masaket!." Angal naman na sigaw nito

Hinila ko lang naman yung patilya nya papasok ng condo. I don't care kung nasasaktan sya.

Padabog ko namang sinara ang pinto pero hawak ko parin sa patilya itong malandi na ito.

May awa pa naman ako kaya binitawan ko na sa pagkakahitak ang patilya nya at sya namang unting paglayo nito sakin habang himas himas ang hinila kong gilid ng buhok nya.

"Bakit kaba nananakit Love? May problema ba tayo?" Mahinahong tanong nito.

" Ano sa tingin mo Ha!? Ikaw!  Ikaw ang problema ko at yung malanding babae mo! harap harapan ka pa talagang lumalandi akala mo hindi ko napapansin yun nasa iisang lugar lang tayo Maki." Galit na tugon ko dito.

Nagkamot naman ng batok ito.
" Eh kaibigan ko lang naman yun saka lagi naman nya yun gi8nagawa sakin kaya walang malisya yun." Paliwanag naman nya.

"Kaibigan? Para sayo Oo pero yang babaeng yan wala akong tiwala sa kanya. Ganyan kaba kamanhid Maki para hindi mo mapansing nilalandi kana ng babaeng yun. Kilala moko maki hindi ako magagalit kung wala lang yun . Kung KAIBIGAN lang talaga yung tingin nya sayo hindi kanya pasimpleng  nilalandi." Sunod sunod ko bulyaw dito para naman maliwanagan sya sa mga pinagsasabi ko.

Nagbuntong hininga naman ito at lumapit sakin para yakapin hindi naman ako lumayo sapagkat gumanti ako ng yakap.

Ang hirap naman kasi na patago lang muna ang relasyon nyo na hindi mo sya maipagmalaki pa dahil nga sa sitwasyon na kinasasadlakan namin.

" I'm sorry Love, I'm sorry hindi ko naman talaga alam na yun na ang ginagawa nya dahil naging kaibigan ko sya sa sandaling panahon. Kaya please wag kana magalit. " Sabi naman nito sakin sabay haplos sa magkabila kong pisngi.

" Wala ka naman talagang alam may pagkamanhid karin kasi talaga." Masungit kong sagot dito.

Rinig ko naman ang mahinang tawa nito.

" Ano tinatawa tawa mo dyan ha!? Gusto mong ihulog kita dyan sa may bintana ha!?" Pananakot ko naman dito.

Napalunok naman ito dahil sa takot na baka gawin ko nga.

Tanga bako para ituloy yun ?
Ang tagal kong nangulila sa kanya tapos ako lang din magtatapos ng buhay nanaman nito.

Biro ko lang naman yun hahaha.

" Nagseselos ang LoveLace ko. Alam mo naman na kahit may lumandi sakin kahit maghubad sa aking harapan hinding hindi ko ipagpapalit ang taong mahal ko dahil lang dun. Sa iba man tumingin hinding hindi rin magbabago ang pagtingin ko sayo dahil nandito ka palagi sa puso't isipan ko dahil ikaw lang Talaga ang taong mamahalin ko habang nabubuhay pako."

Sa pagkasabi nya nun ay bigla nalang ako napaiyak. Dati pa naman nyang linyahan yan pero iba na ngayon bata pa kami noon at ngayon nasa tamang edad at relasyon na ang nais naming magtagal.

Masaya ako sa pagkakataong ito dahil may Making nagmamahal sakin maliban sa pamilya at kaibigan ko.














******

Tumingin man sa iba kung hipon din naman ang makikikita ahuy!
Chibugan na.....

Charot ! Hahaha
*****




Chappy 16: End

****************

I'LL Be Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon