Chappy 29

1K 35 0
                                    

Abby POV

Nakakabwisit talaga ang lalaking yun kahit saan ako pumunta nakasunod parin na parang aso

Mukhang aso naman talaga

Mabuti nalang nailigaw ko bago pako magpunta dito sa HQ

Restricted area naman ito kaya walang ibang makakapasok maliban nalang saming apat at sa ibang tauhan namin na may access permisyon namin bago pumasok o makapasok

Nandito na ako sa may living room kasama sila

Si shawn naman tinawag si Dallies pero hanggang ngayon wala parin

Ito namang si Rence tulala nanaman at ang lalim ng iniisip

Binato ko naman ito ng unan at sapul ito sa mukha kaya dahilan nito ay napabalik nya sa kanyang katinuan

Sinamaan naman ako ng tingin nito at inirapan pa ako ng gag*

Ang Bakla  talaga nito

Nilakihan ko naman ito ng mata dahil sa ginawa nya pero pinakyuhan lang ako ng lintik

Babatuhin ko sana ulit ito ng unan kaso dumating nayung Reyna este si Shawn

" Mukhang ang seryoso mo ngayon , Shawneng ?" Tangang tanong naman ni Rence kay shawn 

"Siraulo ka talaga Rence . Matagal ng ganyan mukha nyan. Matakot ka kapag nagmukhang clown pa yan" Singit kong sagot sa kanya

" Epal ka talaga Abeng " pabulong na sabi ni Rence

" May sinasabi ka ba bakla ha!?"

" May narinig kaba? Wala naman dba kaya wala! Saka ano naman kung bakla ako ha? Sambunutan kita dyan eh  " Naglalaking mata na sabi sakin nito at sabay irap.

Akmang magsasalita naman na ako ng sawayin na kami ni Shawn

"Magtigil na nga kayo . Puro  mga walang kwenta yang pinagsasabi nyo "Saway samin ni Shawn

" Pero sya kasi eh ! " sabay na sabi namin ni Bakla

Nagsamaan naman kami ng tingin dahil dun

"Nagtuturuan pa kayo . Pareho ko kaya kayong paguuntugin sa pader kapag hindi pa kayo tumigil !" Banta pa ni shawn sa aming dalawa ni Baklang Rence

Pareho naman kaming tumahimik at nagirapan pa kami sa isa't isa

"Ano naman nangyare sa dalawang iyan ?" Tanong ni Dallies ng Dumating na may kasamang babae

At ng makilala ko kung sino itong kasama nya

Bigla naman bumalik ang galit  at  pagkamuhi sa kanya

Dahil sa pagiging walang kwenta nyang kapatid o kakambal

Wala man lang siyang ginawa noon

Hindi man lang nya maipagtanggol ang kapatid nya sa magulang nya lalo na't sa mga taong humuhusga sa kapatid nya

Kaya kahit alam ko ng buhay si Maki
Hindi parin maaalis ang galit ko sa kanya


Maika POV

Nang mapatingin sa gawi ko si abby na ramdam ko parin na galit sya sakin dahil sa nangyare noon

Oo aaminin ko na

Naging mahina ako noon kahit hanggang ngayon

Walang akong nagawa

Wala akong kwentang kapatid

Pero lubos ko yun pinagsisisihan
Hanggang ngayon

Dahil hanggang ngayon sariwa parin sakin ang pagkawala ni Maki

Mahal ko ang kapatid ko

Pero naging walang kwenta akong kapatid sa kanya

"Waaahhhh Maika ! Nakabalik kana rin dito! I miss you!!!!!" Masayang Sigaw na sabi sakin ni Rence at patakbo itong lumapit sakin para yakapin ako

" I miss you too Therence " sabi ko naman sa kanya at gumanti ng yakap

"Tss. Para bang taon na hindi nagkita" Masungit na sabi ni abby

"Hayyy wala ka talagang matinong masabi abby . Uminom nalang kaya tayo. Tara na sa Bar!!!!!" Masayang aya ni Rence

Hanggang ngayon talaga walang pinagbago .

Bar parin ang naisip ng baklang ito.

Chappy 29

I'LL Be Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon