"Ali! Wake up! We need to hurry!" malumanay kong paggising sa kan'ya na bahagya pa siyang niyuyugyog.
"Hayst. Wake up, Ali!" muli kong paggising sa kaniya dahil wala man lang siya kahit anong reaksyon.
Pagkakuwa'y bahagya itong tumingin sa akin. "M-momma. You told me to sleep early tonight, then I did. But, why I need to wake up this early? I already brush my teeth naman po, Did I forget something po ba?" sunod-sunod niyang tanong na namumungay ang mga mata, bahagya niya pa itong kinukusot-kusot. Palagi ko talaga siyang pinapatulog ng maaga, kaya naman nakapagtataka talaga kung gigising ko siya sa ganitong oras samantalang halos dalawang oras pa lang siya natutulog.
"Baby, pwede bang humingi ng favor si Momma?" tanong ko sa kaniya na hinila siya para umupo ng maayos mula sa pagkakahiga.
"Of course, Momma! What is it po ba?" sagot niya na hinarap ako ng maayos, nangangahulugang ibinibigay niya sa akin ang buong atensyon niya para makinig sa hihilingin ko.
"Listen, okay? Gusto ko lang sabihin na kapag may hiniling si Momma sa 'yo pwede bang sundin mo 'yon, baby? H'wag ka muna magtatanong ng kung ano-ano tungkol do'n. Hindi ko pa kase pwedeng sabihin sa 'yo agad kase masyado pang maaga para malaman mo. Masyado ka pang bata para problemahin ito. Lagi mo lang tatandaan na ginagawa ito ni Momma para sa 'yo, para sa ating dalawa. Pwede ba 'yon baby, hmm?" malambing ang boses ko habang sinasabi 'yon sa kaniya.
"Okay po, Momma! Baby Ali will listen and follow to you po, Momma!" napangiti naman ako matapos n'yang sabihin ito, pinisil ko pa ang magkabila niyang pisngi.
"Tumayo ka na riyan, kailangan na nating umalis. Isuot mo itong jacket, baby, malimag na sa labas,"
"P-po? S-saan tayo pupunta, Momma?" nagtataka naman s'yang nagtanong habang inaabot ang jacket na iminuwestra ko sa kaniya.
"What did Momma requested of you, baby Ali?" makahulugan kong tanong sa kaniya na peke pa akong nangingiti at kunwari ay maloko ko s'yang tinitigan. Umawang naman ang labi niya pagkatapos no'n ay nag-pout pa.
Binuhat ko na ang mga gamit namin, habang naglalakad ay inutusan ko pa siyang humawak lang sa damit ko lalo na't hindi ko siya pwedeng hawakan sa kamay dahil may mga buhat ang magkabila kong kamay.
Habang naghihintay kami ng sasakyan sa labas ng kanto ay biglang bumuhos ang ulan. Hinubad ko ang suot kong jacket at ibinigay 'yon sa kan'ya. "Baby Ali, cover this to your head." Utos ko sa kan'ya.
Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kong kukunin ba ito. "How about you, Momma? You need to cover your head too," sabi ko na nga ba, 'yon ang inaalala niya kaya halatang nagdadalawang-isip siyang kunin 'yon sa akin.
"Don't worry about me, baby Ali. Ayos lang si Momma, ikaw ang mas inaalala ko, hindi ka pwedeng magkasakit, okay? Now, cover your head, baby," sinunod naman niya ang sinabi ko. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay may tumigil nang bus, kaya naman nakasakay na kami.
"Momma, where will we go?" tanong ni Ali sa akin habang kumakain siya sa loob ng sinakyan naming bus, alas-diyes nang gabi ay nasa kalagitnaan pa rin kami ng biyahe.
"Be patient, baby. Hmm? Malapit na tayo," sagot ko naman sa kaniya na hindi sinasabi kung saan talaga kami pupunta, hindi ko alam kung saan kami dadalhin sa araw na ito, ang akin lang ay kailangan namin na makalayo.
"Where's Tita Momma? Shall we go to her house po ba?" dagliang tanong pa nito, pinunasan ko muna ang paligid ng labi niya dahil sa mga kumalat na icing ng cupcake na kinakain niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/273262287-288-k230323.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)
General FictionSEQUEL of HIS INNOCENT SECRETARY - UNEDITED Are you ready for her pleasuring game? Started: September 30. 2021 Ended: October 24. 2021