CHAPTER 11

23.4K 688 262
                                    


Warning: This part is not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing to some readers. You have been warned. 

— ✍︎ —

“Kapatid ko ba si Third?!” pinagpilitan ko talaga ang tanong ko sa kaniya, wala akong pakialam sa gusto niyang gawin, ang akin lang ay gusto kong malaman ang totoo.

“Oo, anak. Kapatid mo s’ya, at hindi ang kinilala mong nanay ang totoo mong ina.” Nabigla ako sa pag-amin niya, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa mga sandaling ito.

“H-hindi ‘yan totoo!” hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.“Hindi ako naniniwala sa ’yo!” wala akong pakialam kahit siya pa ang tatay ko, ngunit hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinasabi niya.

“Pero iyan talaga ang totoo. Gusto mong malaman ‘di ba? Bakit ayaw mong maniwala?” katwiran nito sa akin.

“Dahil ang labo namang mangyari! 24 na s’ya, dad! Tatlong taon lang ang agwat namin. Paanong—” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla kong ma-realize.

“K-kabit mo lang ba si mama, dad?!” punto sa kaniya sa napagtanto ko. “Ginawa mo lang kabit si mama, ha?!” pag-uulit ko pa dahil hindi man lang niya ako sinagot.

“Yon nga ang nangyar—” hindi ko napigilan ang sarili kong pagbuhatan siya ng kamay, hindi ko kinaya at ‘di ko mapigilan ang sarili ko dahil sa galit.

“Halos labing pitong taon niyo akong niloko! Labing pitong taon niyo sa akin nilihim ang katotohanan. Bakit kailangan niyong gawon sa akin ‘to? Sa loob ng labing pitong taon ‘yon ay ipinagmamalaki ko ang pamilya natin dahil inakala kong perpekto ito, walang kulang, palaging masaya, at higit sa lahat ay nagmamahalan. Hindi ko alam na sa bawat araw ay puro pagpapanggap ang pinapakita niyo sa akin, pinalaki niyo ako sa kasinungalingan, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit naghanap ng ibang pamilya si mama...dahil hindi niya deserve ‘yong kagaya mo, hindi niya deserve ‘yong pamilyang binibigay mo sa kaniya, at ‘di niya deserve na maging pangalawa lang!” mahabang sumbat ko sa kaniya, hindi naman siya nagreklamo at hinayaan lang ako.

“Hindi ko naman ginusto...”

“Hindi mo ginusto! Hindi mo ginusto!” pag-uulit ko sa sinabi niya. “Yan naman talaga ang palagi n’yong rason sa t’wing nahuhuli kayo sa katotohanan. Kung hindi mo ginusto sana simula pa lang ay tinigil mo na, sana hindi niyo na pinalala, pero hindi! Mas lalo niyo lang sinira ang mga buhay niyo! Pati kaming mga anak niyo ay nadadamay dahil sa inyo!” mas lalo lang akong nagalit, hindi ko na mapigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses dahil mas palala nang palala ang nangyayari.

“Pinagsisihan ko na ang nagawa kong ‘yon—”

“Sino ang totoong nanay ko?!” hindi ko ulit pinatapos ang sasabihin niya, gasgas na masyado ang rason n’yang ‘yon at ayaw ko nang marinig pa ito.

“Kahit naman sabihin ko sa ’yo ay hindi mo na makikita pa,”

“Anong ibig mong sabihin? Nasaan ang totoong nanay ko?!” nauubusan na ako ng pasensya sa kaniya, kaya mas lalong lumalakas ang pagsigaw ko, nakahawak naman sa akin si Zayne, samantalang sina Third at Clein ay pinapanood lang kami.

“Wala na.” tipid na sagot nito. “Pagkapanganak pa lang niya sa ’yo ay namatay na siya. Nagkaproblema at hindi pwedeng mabuhay kayong dalawa kaya kinailangang mamili sa inyong dalawa kung sino ang mabubuhay,” dagdag nito.

“Mas pinili n’yang siya ang mamatay,” naintindihan ko ang pinupunto niya.

“Hindi ako sang-ayon sa kagustuhan n’yang mas piliing mabuhay ka kesa sa kan’ya, dahil kung tutuusin ay kaya naman namin gumawa ng panibago pero hindi niya ako pinakinggan, hindi siya nakinig sa akin, sinunod niya ang sarili niyang kagustuhan kaya ikaw ang buhay ngayon. Hindi ko naman masisisi ang mama mo dahil kasalanan ko naman kung bakit niya ginawa iyon, dahil masyado ko s’yang nasaktan, maka-ilang ulit ko siyang niloko,” pag-aamin niya sa kasalanang ginawa niya.

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon