CHAPTER 20

19.2K 527 152
                                    

This part was dedicated to ashleymartinez002.  Thank you for the support and always being here patiently waiting for my updates. Keep safe!

•••


Malaki ang ngiti ko sa labi ng buksan ko ang pinto. “S-Sab?” unti-unting nawala ang ngiti ko na napalitan ito ng gulat dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.


“Gian?!” nabilog ang kaniyang bibig matapos niyang mapagtanto kung sino ako.


“A-anong ginagawa mo rito?” gulat pa ring tanong ko sa kaniya.


“Ikaw dapat ang tanungin ko Ate Gian. Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Kuya Concon?” balik na tanong niya rin sa akin na hindi pa rin umaalis sa kinakatayuan niya kung saan siya nakapwesto ng buksan ko ang pinto kanina.


“What do you mean? K-kuya? Kaano-ano mo s’ya?”


“Magkakilala kayo?” tanong din ni Connor pagkatapos ko kaya hindi nakasagot si Sab. “Sabrina, you know her?” dagdag pa nito ng walang makuhang sagot pagkalipas ng ilang segundo.


“Teka lang, ano ba! Pwedeng isa-isa lang?” naiiritang sigaw ni Sab sa amin.


“Ang simple-simple ng tanong, Sab!” reklamo pa ni Connor dito.


“E, sasabay-sabay kayong dalawa. Kaya ko bang sagutin kayo ng sabay? Bakit sa tingin mo ilan ba bibig ko?” asik din nito pabalik.


“Dalawa,” mabilis na sagot ni Connor sa tanong ni Sab, inirapan naman ito ni Sab bago lumingon sa akin.


“Ikaw Gian? Anong ginagawa mo rito sa bahay ni kuya?” mataray na tanong nito na naglakbay ang kaniyang mga mata sa buong katawan ko na parang ini-eksamina ito.


“You better ask your...brother?” suhestiyon ko na nagdadalawang-isip pa sa sinabi ko.


“Ano? Magpapasa-pasahan na lang tayo rito? Anong ginagawa ng babaeng ‘to sa pamamahay mo, Kuya?” reklamo ni Sab na pagkakuway tinanong din naman si Connor.


“Simula ngayon, sister-in-law mo na siya Sabrina,” hindi naman nagtagal ay sinagot na ni Connor ang tanong ni Sab.


“B-but. Why, Kuya? Anong ibig-sabihin mo?” gulat na sigaw nito. “Mygaaad, kuya! Pinatulan mo ‘to?!” dagdag niya pa nito matapos na hindi makakuha ng sagot mula kay Connor.


Sa pagkakataong ito ay nasisigurado kong ibang-iba na siya sa Sab na nakilala ko no’n. Marami siyang ipinagbago, maraming nag-iba sa kaniya. Simula sa ayos niya, sa pananamit niya, sa pakikitungo, at sa pagsasalita, ibang-iba na siya.


“Ikaw rin Gian? Anong ginawa mo sa kuya ko para pumatol siya sa ’yo?!”


“Wala akong kasalanan dito, Sab...” Katwiran ko naman kaagad.


“Wala? Nasaan na ‘yong asawa mo ha?! Hindi ka na ba binalikan kaya si Kuya naman ang puntirya mo?” sumbat nito sa akin.


“Mali ang iniisip mo, Sab. Kasalanan ito ng kuya mo, kinuha niya ako, dinala niya ako rito, gusto ko na ngang umalis dito, Sab. Kagagawan ito lahat ng kuya mo!” paliwanag ko sa kaniya, gusto ko pang tanungin kung paano sila naging magkapatid o kung totoong magkapatid nga ba sila dahil nakapagtataka pero hindi ko muna inintindi ito. Mas kailangan kong linawin ang totoo.


“Totoo bang pinagsasabi ng babaeng ‘to, Kuya?”  diretsong tanong ni Sab kay Connor matapos kong magpaliwanag.


“Yes, Sabrina. I plan everything, and there is nothing you can do to ruin my plan. Just accept it!”


Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon