CHAPTER 24

22.8K 491 315
                                    

This part was dedicated to @Acquataine, @joandapulano, and @doeraemoon. Thank you for the support and always being here patiently waiting for my updates. Keep safe!

•••

“Hello. Nasaan ka na?" tanong ko sa kabilang linya.


“Room 247 ang kinuha kong kwarto, Gianna. Katabi lang ng room niyo. Nandito na ako.” Sagot sa akin ni Brecken.


“Bakit d’yan pa?” gulat kong kinakabahan na tanong sa kaniya. Patingin-tingin pa ako sa banyo dahil baka biglang lumabas si Cali.


“D'yan ba dapat sa room mo?” balik na tanong nito sa akin. Hindi niya naiintindihan.


“Of course not, Brecken. Sa dinami-rami ng room na pwede mong pilitin, bakit sa katabing room pa namin? Baka makita ka ng kaibigan ko r'yan, kung ano pang isipin no’n sa ’yo,” sermon ko sa kaniya.


“Huh? Hindi kita maintindihan. Paano tayo mag-uusap kung malayo ako sa ’yo? Akala ko ba may pag-uusapan tayo? May kasama ka pala, akala ko tayong dalawa lang?” sunod-sunod na tanong nito.



“Hindi ako papayagan na pumunta rito kung wala akong kasama,” rason ko naman.


“So, what's the point of inviting me here if I can't come to you?” wika pa nito na halata sa kaniyang boses ang pagkadismaya.


“Mag-uusap nga tayo pero hindi rito. I mean—sasabihan naman kita kung saan tayo mag-uusap, that’s why my number ka sa akin,” paliwanag ko pa sa kaniya.


“I see. So, hindi alam ng kasama mo na makikipagkita ka sa akin?” hirit pa niya.


“Hindi niya alam. Kaya mag-ingat ka sa t’wing lalabas ka r'yan sa kwarto mo baka makasalubong mo siya sa labas. Pamilyar ka naman sa mukha niy—” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng marinig kong bumukas ang pinto ng banyo, nataranta akong pinatay ang call.


“Sino ‘yong tumawag?” tanong ni Cali sa akin na nagtataka, tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kaniyang katawan.



“Ah… A-ano. Tinawagan ko lang sila Z-zayne. Hindi na kasi ako nakapagpaalam kay Ali about this kaya baka hinahanap ako no’n,” paliwanag ko naman, hindi ko alam kung paniniwalaan ba ako ito nito o hindi.


“Oh? Okay. You can take a bath na.” Suhestiyon ni Cali sa akin habang pinupunasan niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya.


“Oh sige, tapos baba tayo mamaya para kumain. Nagugutom na ako, e,” saad ko pa sa kaniya. Natawa naman ito sa akin.


“Sure.” Pagkasabi niya no’n ay pumasok na nga ako sa banyo para maligo.


Pagkatapos kung maligo ay pumunta na nga kami sa buffet area dito sa hotel. Bukas lang ang buffet na ito t’wing umaga for breakfast.


“What if kung sinama natin dito sila Made, Kylie, at Ele?” tanong sa akin ni Cali pagkaupo namin sa napili naming area para pagkainan.


Natulala naman ako sa kaniya matapos niyang sabihin ‘yon. Inisip ko pa ang mga nangyari dati na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan. Pinatawad ko sila no’n dahil isang rason 'yon para matapos na ang paghihirap ko pero hindi no’n nagawang ibalik ang dati naming pagkakaibigan. Hindi na nag-work ang pagkakaibigan namin kaya nag-decide akong lumayo.


Isa pa’y dumating na sa buhay ko si Ali, ayoko namang ipagsiksikan naming dalawa ni Ali ang mga sarili namin sa bahay na ‘yon. Pinatawad ko sila pero hindi no’n mababago ang nangyari, at hindi no'n nabalik ang tiwala ko. Sa ngayon ay wala akong alam sa mga nangyari sa buhay nila sa loob ng ilang taon, hindi ko alam kung ano ng lagay nila, dahil mukhang sila mismo ay nakalimutan na rin naman ako kaya hindi na ako nag-abalang alamin pa ang sitwasyon nila.



Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon