CHAPTER 09

23.2K 687 422
                                    

"Alam mo ba ang ginawa ko kay Aiden matapos niyang sabihin 'yon? Sinuntok ko siya dahil hindi ko nagustuhan ang suhestiyon niyang iyon at ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa 'yo, Gian! Nagkaaway kaming dalawa dahil do'n at hanggang ngayon ay hindi na kami nagkaayos! Dahil no'ng mga oras na 'yon ay umaasa ako na magkakaayos na tayo at makakasama ko na kayong dalawa ng anak ko. Hindi pumasok sa utak ko na ilayo si Ali sa 'yo, maniwala ka sa akin!"

Lumipas ang ilang saglit na katahimikan sa aming dalawa matapos niyang sabihin sa akin ang mga ito. "H-hindi. Hindi ako naniniwala sa 'yo!" rason ko pa sa kaniya habang umiling-iling.

"Maniwala ka sa akin, Gian! Pwede bang—"

"Sinasabi mo lang yan para makuha sa akin si Ali, sinasabi mo lang 'yan para linlangin ako, hindi ako naniniwala sa 'yo!" hirap na hirap na akong magtiwala sa mga pilit ipinapaniwala sa akin ng iba. Sa palagay ko lahat ng sasabihin nila ay puro kasinungalingan lang.

"Sinabi ko na sa 'yo ang totoo, wala ako ibang intensyon sa inyong dalawa ng anak ko, nang anak natin. Paniwalaan mo naman ako, oh.  Maniwala ka sa akin, hindi ko kayang gawin 'yan sa inyo," pamimilit niya sa akin kasabay ang pagkayap nito, sinusubukan kong kumawala sa kaniya ngunit hindi ko kaya dahil mas malakas siya sa akin.

"Bitawan mo 'ko!" utos ko sa kaniya pero hindi niya man lang sinunod ang sinabi ko dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-akap sa akin.

"Please, Gian. H’wag mo naman akong pahirapan ng ganito. H’wag mo naman ipagkait sa akin na bumawi sa inyo ng anak natin," lalong pagpupumilit nito, mas lalong hindi ko magawang kumawala dahil sa yakap niyang halos hindi na ako makahinga. "Bumalik ka na sa akin, oh. Please. Please. Please?" nangungusap siya sa akin, ramdam na ramdam ko sa kaniya ang pagmamakaawa.

"H-hindi ako makahinga, Zayne." Reklamo ko sa kaniya na hindi sinasagot ang tanong nito. Hinahampas ko na rin ang dibdib niya at bahagya siyang tinutulak para makawala ako pero hindi talaga ako gano'n kalakas para magawa ito.

"Gian, please!" nagkatitigan kaming dalawa matapos niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko, sobrang lapit ng mga mukha namin dahil bahagya siyang nakayuko na nalalanghap ko ang paghinga niya sa sobrang lapit ng mga mukha namin. "You are still worth it to love even though you hurt me the most, Gian. Without you, I’m useless, and I don't care how complicated this gets, I still want you," tulala ako sa kaniya habang sinasabi niya ang mga salitang 'to, hindi ko magawang kumilos o alisin ang tingin sa kaniya.

"I love you, Gian. I have always loved you." napalunok ako matapos niyang sabihin 'yon lalo pa ng magdikit ang ilong naming dalawa, gano'n na kami kalapit sa isa't-isa.

Napapikit ako ng sandaling maglapat ang mga labi namin, hindi ko maikilos ang sarili ko habang patuloy siya sa paghalik sa akin, hindi ko sinuklian ang halik niyang 'yon ngunit hindi ko rin alam sa sarili ko bakit hindi ko magawang itaboy siya para matigil ang ginagawa niya sa akin. Parang may kung anong naghahabulan sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nang puso ko sa mga sandaling ito.

Tumigil si Zayne sa paghalik sa akin, medyo nilayo niya ang ulo kasabay ang pagtitig nito sa mga mata ko. "Please give me another chance to prove myself to you," matapos niyang sabihin ito ay muling bumalik ang sulyap niya sa mga labi ko, muli niyang nilapat ang labi niya sa labi ko, at ginawaran ako ng simpleng halik. Hindi ko namalayan ang sarili ko na gumanti ako sa paghalik niya sa akin, hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko, hindi ko na magawang pigilan ang bugso ng damdamin ko. Hinayaan ko ang sarili kong sumunod sa gustong mangyari ni Zayne.

"What does it mean? Bakit gumanti ka sa paghalik ko? Bakit hindi mo 'ko pinigilan na gawin ito sa 'yo? Anong ibig sabihin nito sa 'yo, Gian?" sunod-sunod na tanong niya sa akin matapos niyang Itigil ang paghalik.

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon