CHAPTER 13

24K 579 126
                                    


“Good morning, Momma!” napabalikwas kaagad ako matapos kong marinig ang boses ni Ali, napatingin ako sa katawan ko dahil sa pag-aalala kong wala akong saplot na kahit ano.

“What happened, Momma? You look scared po,” nagtatakang tanong naman sa akin ni Ali dahil sa ni-react ko.

“Nothing, baby. Nagulat lang si Momma,” nakahinga naman ako ng maluwag dahil may saplot naman ako, siguro’y nilinisan at pinalitan ako ng damit ni Zayne kagabi habang tulog ako.

“Tara na po, Momma, nakapagluto na po si Dadda ng almusal, kain na po tayo.” aya nito sa akin na kumikislap-kislap pa ang mga mata, excited siya masyado para kumain.

“Okay, baby. Mauna ka na sa baba, mag-aayos lang si Momma,” sumunod naman siya sa akin na kaagad namang lumabas ng kwarto.

Pagkatapos kong ayusin ang loob ng kwarto pati na rin ang sarili ko ay bumaba na ako papuntang kitchen kung saan natagpuan ko si Ali na kumakain na samantalang si Zayne ay mukhang may niluluto pa, topless ito na nakatikod habang may kung anong niluluto.

“Did your dad is the one who cook your pancakes, baby Ali?” tanong ko rito na hinalikan siya sa pisnge, sumubo muna siya ng pancakes na pagkalaki-laki.

“Y-yesh po, Mommoo,” hirap siyang magsalita dahil punong-puno ang bibig niya, nagtatalsikan pa ang ibang piraso ng pagkain dahil hindi na kaya ng bibig niya.

“Baby, Avoid speaking when your mouth is full po,” mahinahong sita ni Zayne kay Ali na kaagad namang tumango ang bata at uminom ng gatas niya.

“Sorry, Dadda! Si momma po kasi tinatanong ako while I’m eating po,” aba’t— ako pa nga ang nasisi.

Magsasalita na sana ako ngunit pinangunahan ako ni Zayne. “Mommy, don’t asked if baby Ali is eating,” sita rin ni Zayne sa akin na natatawang kinindatan pa ako.

“Pinagtulungan niyo pa ako, ah!” reklamo ko sa kanila na si Ali ang pinanggigilan ko.

“Let’s eat na, so that after we eat we can go to the house you rented before, to pick up all of your things there.”

Gano’n na nga ang ginawa namin, matapos namin kumain ay pumunta kami sa dating bahay na Inu-upahan namin ni Ali. Iniwan muna namin si Ali kay Cali. Pagkarating namin ay natagpuan naman namin si Third na nagbubuhat ng mga gamit palabas ng gate.

“A-ate Gian,” tawag niya sa akin ng magkaharap kami. “Aalis ka na rin ba dito?” tanong niya pa.

“Uhm...yeah? Wala na rin namang reason para magstay pa kami rito.”

“Oh, gano’n po ba? Kami rin po, e,” lumingon siya sa likuran niyo kung saan naro’n si Chase na sa akin nakatingin, masamang tingin.

“Babalik ka na sa bahay ng tatay nati—I mean, tatay mo?” nadulas ko pang pag-usisa.

“Yes po, ate, e. Tsaka may dahilan ako kung bakit kinailangan kong tumira dito kahit may bahay naman kami,” pagdadahilan niya

Ngayon ko lang naisip ‘yong sitwasyon, bakit naman niya kailangang tumira sa ganito kaliit na bahay samantalang mayroon naman silang mansyon. “Dahilan? Bakit?” bigla tuloy ako naging interesado.

“Uhm...kukulangin po kasi tayo ng oras kung iku-kwento ko, kailangan pa kasi ni Chase umalis ng maaga.”

“Gano’n ba? Okay lang naiintindihan ko.”

“Kung gusto niyo Ate or kung okay lang po sa inyo, magkita na lang po tayo para mag-usap, mayroon pa rin po pala akong sasabihin sa inyo na importante, eh,” suhestiyon niya.

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon