EPILOGUE

32.3K 856 620
                                    


Warning: This part is not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing to some readers. You have been warned.

•••


Habang sumasayaw kami ni Brecken ay nararamdaman ko na mas lalong lumalapit ang katawan namin sa isa't isa. Sinasadya niya pang hilaan ang bewang ko palapit sa kaniya na naging dahilan para mas lalong maglapit kami sa isa't isa. Nararamdaman ko na rin ang paghinga niya na bahagya pa itong nalalanghap.


“Can you make me happy tonight? Drive me to heaven gamit lang ang mga katawan natin,” muli ko pang saad kay Brecken.


“Of course.” Wika nito pabalik na napahawak sa kaniyang sintido na bahagya pa niya itong hinihilot-hilot.


Matapos niyang sabihin ‘yon ay nagpatuloy kami sa pagsasayaw na bahagya akong umuusog papunta sa puwesto kung saan maraming babae.


Nang makalapit na kami ay nakipagsayaw naman ang mga ito sa amin. “Dito ka lang, ah. May kukunin lang ako saglit.” Bulong ko kay Brecken sa kalagitnaan ng pagsasayaw.


“Hmmm?” himno niya sa akin na mukhang hindi niya naintindihan o narinig ang sinabi ko dahil sa ingay.


Kaya naman lalo akong lumapit sa kaniya para ulitin ang sinabi ko. “Sabi ko hintayin mo lang ako rito, naiihi lang ako. Babalik lang din ako kaagad.”  Panibago kong dahilan.


“Sure.” Tipid niyang sagot sa akin. Napansin ko pa na nakahawak na sa may balikat niya ang isang kamay nito, do’n ay dahan-dahan n’yang hinihimas ang balikat niya papunta sa sarili niyang leeg na napapatingala pa siya. Matapos kong mapansin ‘yon ay agad-agad akong umalis.


Hindi ko pinansin ang mga taong nakakabangga ko. Patuloy lang ako sa paglalakad para makalayo mula roon. Nang tuluyan na akong makaalis sa parteng ‘yon na maraming tao ay muli akong lumingon sa dinaanan ko kahit maraming nakaharang, at imposibleng makita ko pa ang kalagayan ni Brecken.


“I don’t like to call it revenge . . . Returning the favour sounds nicer.” Saad ko sa kawalan habang iniisip ko ang ginawa ko kay Brecken.


Lahat ng ‘to ay parte lang ng paghihiganti ko sa kaniya. Ang kunwareng pagpapatawad ko sa kaniya ay kasinungalingan ko lang. Dahil hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin ang nararamdaman ko sa t’wing maaalala ko ‘yon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang kalimutan ang mga nangyari no’n na dahil do’n ay napakalaki ang naging epekto nito sa buhay ko. Ang dami kong pinagdaanan, ang dami kong pinaghirapan, at nasira nito ang buhay na inaasam ko. Kaya hindi gano'n iyon kadali para makalimot ako, at mapatawad ko siya kaagad.


Ang pagpapapunta ko rito sa kaniya sa Cebu ay nasa plano ko talaga. Ang pagsabi ko sa kaniya na gusto ko siya’t maging ang pang-aakit ko rito ay gawa-gawa ko rin lahat para lang matuloy ang binabalak ko. Sinadya kong magboluntaryong ako na ang kumuha ng alak niya para mailagay ko ang gamot rito na magiging dahilan para makaramdam siya ng init sa katawan na magiging sanhi para makipagtalik siya.


Sinadya ko na dalhin siya sa gitna ng dance floor para kung sino-sino lang ang makuha niyang babae ro'n. Dala na rin ng alak ay hindi posibleng walang pumatol sa kaniya.


Ito na ang pagkakataon para bumawi ako sa mga kasalanan nila sa akin. Gusto lang din maramdaman niya kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ko dahil sa kagagawan nila.


Aalis na sana ako ng tuluyan ngunit parang hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay may humahadlang sa akin. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko ngayon.


Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon