CHAPTER 03

28.9K 846 145
                                    


"Hindi ko alam. Pero... baka may dengue siya, Gian," pag-amin sa akin ni Cali matapos niyang obserbahan si Ali.



"H'wag naman sana," 'yon lang ang nasabi ko, pero sa loob-loob ko'y sobrang takot na ang nararamdaman ko.



"Kaya mabuti na hanggang maaga pa'y malaman na natin, Gian. Para hindi na lumala pa," paliwanag niya sa akin, hindi ko na magawang sumagot kaya tumango na lang ako sa kaniya.



Inayos ko lang ang mga damit na dadalhin namin para sigurado kami lalo na't baka abutin kami ng ilang araw do'n.



"Tara na." Niyaya ko na si Cali. "Ali, buhatin ka na ni Momma, ah." Saad ko kay Ali, kitang-kita kase sa kaniya na wala siyang lakas kaya naman napagdesisyonan kong buhatin na lang siya.



Pinagdrive kami ni Cali papunta sa pinakamalapit na hospital. Habang nasa byahe kami ay bigla pang may tumulong dugo mula sa ilong ni Ali. "M-momma,my nose is bleeding," saad nito sa akin na nakahawak sa ilong niya habang umiiyak, at umagaw agad sa pansin ko ang kamay niya na may mga dugong kumalat na rito.



"Oh my god! Oh my god!" 'yon lang ang nasabi ko, "What should I do?" tanong ko kay Cali dahil taranta na rin ako, natatakot akong gumawa ng kahit anong hakbang dahil hindi ko tiyak na tama ang magagawa ko o baka lalo ko lang mapahamak ang bata.



"Look up, Zeyo!" huminto muna si Cali sa pagmamaneho. "Just look up, Zeyo! Don't bend down so the blood doesn't drip, okay?" agad namang sinunod ni Ali ang sinabi ng Tita Momma niya.


"Here, Gian!" inabot niya sa akin ang isang pack ng tissue. "Use it to wipe the blood that has spread on his face and hand," sinunod ko rin ang sinabi niya, nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa iyon. Nagpatuloy naman si Cali sa pagmamaneho na napansin ko ang pagbilis nito. Mabuti na lang ay huminto na ang pagdurugo nito pagkalipas lang ng ilang minuto.


Pagkarating naman sa hospital ay mabilis naman kaming na-assist ng nurse. Dinala kami sa isang room na napili namin, pagkalipas lang ng ilang minuto ay dumating na rin ang doctor para tignan ang kalagayan ni Ali.



In-obserbahan muna nito si Ali at chineck ang mga possible signs para malaman ang sakit nito. Pagkatapos no'n ay nagpaalam muna ito na may iba pang pupuntahan na pasyente, at babalik na lang daw siya pagkatapos.



"Who's the mother of the patient?" bungad ng doctor pagkapasok.


"A-ako po, doc," kinakabahan kong sagot rito.


"Mommy, from what we have observed, and from the information we have obtained from the both of you, it turns out he has dengue fever because of the symptoms your child has. Starting with his headache, fever, redness of his eye and pain around it, nausea and vomiting, bleeding from nose, and lastly, widespread eruption of his skin lesions." maayos na pagpapaliwanag naman nito sa amin, nagkatinginan pa kami ni Cali matapos 'yon, hindi nga siya nagkamali.



"Ano po bang dapat naming gawin doc?" pagkakuwa'y tanong ni Cali sa doctor.



"I will have your child checked often to monitor for possible changes in his body. Especially his temperature, and his platelet count also needs to be properly observed as it continues to drop." paglilinaw naman nito sa amin.



"Thank you, doc," 'yon na lang ang nasagot ko, nagpaalam na rin ang doctor dahil daw may aasikasuhin pa siya na ibang pasyente.


"Natatakot ako Cali, ayoko nakikitang nahihirapan si Ali," bungad ko kay Ali pagkaalis ng doctor.



"Me too, Gian. If I could just leave you here just so I wouldn't see Ali na nahihirapan ay gagawin ko, kaso mas hindi ako mapapanatag kapag umalis ako rito," sagot naman niya sa akin na matapos 'yon ay niyakap niya ako.



"Hindi pwedeng mapahamak si Ali. Hindi ko kakayanin, hindi ko makakaya." humigpit ang yakap ko sa kaniya na sakto namang nakaharap ako kay Ali kaya naman bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang kalagayan niya. "Kung pwede ko lang kunin ang sakit ni Ali ay ginawa ko, ayoko ng ganito, mahal na mahal ko ang anak ko. Si Ali na lang ang mayroon ako, si Ali na lang ang rason para magpatuloy ako sa buhay ko, para magkaroon ako ng dahilan na gumising araw-araw at kumayod, lahat ng ginagawa ko ay para kay Ali, lahat ng ito ay mawawalan ng saysay kapag nawala... si Ali," mahabang pagku-kwento ko sa kaniya.



"H'wag mong sasabihin 'yan, Gian. Zeyo will be fine, okay? Zeyo will get through this. Maniwala ka sa anak mo na gagaling siya. Si Zeyo pa ba? Eh ang tapang-tapang ng anak mo, walang rason para hindi siya lumaban, at alam kong mahal na mahal ka ni Zeyo, hindi niya hahayaang makikita ka niyang nasasaktan, okay? Magtiwala ka kay Zeyo at syempre sa diyos. Hindi niya hahayaang mapahamak ang anak mo," alam kong sinasabi lang ni Cali ito para pakalmahin ako. Pero hindi ko talaga maiwasang mag-isip ng ganito dahil sa kalagayan ng anak ko.



"M-m-momma," kaagad akong kumawala mula sa pagkakayakap kay Cali at kasunod no'n ang pagtalikod ko para punasan ang mga luha ko. Matapos 'yon ay tumingala pa ako para pigilan ang luha kung may nagbabadya man.


"Y-yes, baby?" humarap na ako sa kaniya at pilit akong ngumiti para hindi niya mapansin na kagagaling ko pa lang sa pag-iyak.


"A-are you o.o.okay, M-m-momma?" tanong nito sa akin na hirap-hirap siyang nagsasalita.


"Yes, baby. Momma is fine!" sagot ko naman rito.


"The t-ruth... is n-never a.a.as pain-f-ful as d-discovering... a l-lie, M-momma. I k-know you.u.u're not o-okay po. Alam k-ko pong n-nag-aalala kayo sa a-akin." ako ang nahihirapan sa kalagayan ni Ali lalo na't hirap na hirap s'yang magsalita. "D-don't w-worry, Momma. G-gagaling po a-ako para m-makasama ka pa p-po ng m-matagal, at p-p-ara po pasayahin kita," pagkasabi niya no'n ay tumango-tango na lang ako at muling pilit na ngumiti.



Hindi naman lumihis ang doctor sa sinabi niyang madalas nilang iche-check at obserbahan si Ali. Pabalik-balik ang mga nurse dito para tignan siya. Hanggang sa bigla na lang sumuka si Ali habang chine-check siya ng nurse, bumilis agad ang tibok ng puso ko at nanginginig ako matapos kong makita ang dugo na sumasabay sa suka niya.



"N-nurse! Ano pong nangyayare?!" sigaw kong tanong rito habang lumalakas ang pag-iyak ko. "Nurse, ano pong nangyayare?! Bakit may dugo?!" dagdag ko pang tanong.



"Zeyo?" bumukas ang pinto at pumasok ro'n si Cali na galing sa labas para bumili ng mga pagkain. "Shocks! What happened?!" tanong rin nito.



"Just calm down, ma'am. We're the ones who are having a hard time with you," bwelta naman sa akin ng nurse.



"Paano ako kakalma?! Sino kakalma sa ganitong sitwasyon? Dapat ba ako maging kampante habang nakikita ko ang anak ko na nagsusuka ng dugo?!" kwestyon ko rito.



"Shhh, Gian." pang-aalo ni Cali sa akin. "Hindi dapat iyan ang unahin mo, isipin mo muna ang kalagayan ng anak mo!" sermon man nito sa akin kaya natauhan ako. Pumasok naman ang doctor kaya do'n napunta ang atensyon namin.



"Depending on the basis platelet count,  his platelets already drop to 31,670 microliters, and it's a moderate risk. If it continues to be lowered to 20,000 microliters, he may already have a high-risk platelet count that will result in severe dengue."

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon