CHAPTER 08

23.3K 718 232
                                    


Mabilis ko namang nilapitan si Cali na nakaupo sa couch. "Ito na 'yon, Cali!" wika ko sa kaniya.

"Ah? A-alin?" nagtataka namang tanong nito pabalik.

"Ito na 'yong pagkakataon para itakas natin si Ali," enganyo ko namang pagpapaalam sa kaniya para sa plano ko.

"Sigurado ka na ba?" pagtatanong niya sa akin na naninigurado.

"Oo, Cali. Palipasin muna natin ang ilang oras bago tayo umalis, wala na rin naman tayong poproblemahin dahil bayad na ang hospital bills ni Ali," tugon ko pa.

"Kung gano'n, iligpit na natin ang mga gamit natin dito." Matapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya at sinimulan na nga niyang linisin ang mga nasa ibabaw ng bedside table.

Sumunod naman ako kay Cali, tinulungan ko na siyang iligpit ang mga gamit namin. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay natapos na rin kami kaya sunod ko namang ginising si Ali.

"Baby, gising ka na." Utos ko rito, pero hindi man lang siya gumalaw kahit kaunti, mukhang mahimbing na ang tulog niya.

"Ali..." muli kong paggising dito na may kasama ng pagyugyog, "Ali. Gising ka na muna." Dagdag ko pa na sa pagkakataong ito ay dahan-dahan na niyang minulat ang mapupungay niyang mga mata.

"What is it po ba, Momma?" tanong niya na kinukusot-kusot ang mata.

"Tumayo ka na r'yan, aalis na tayo." utos kong muli sa kaniya.

"Po?" nagtatakang tanong ni Ali sa akin. "Saan po tayo pupunta, Momma?" dagdag pa nito.

"Uuwi na tayo, Ali. Sabi ng doctor ay pwede ka ng ilabas rito, kaya makakauwi na tayo sa bahay," nanlaki naman ang mata niya matapos kong sabihin ito.

"Yehey!" Sigaw niya matapos maproseso sa utak ang sinabi ko. "Finally! I also don't like the smell here in the hospital po, Momma. I really want to go home na po," masayang paliwanag ni Ali na pasimple pang pumapalakpak.

"Hep!" napatingin ako kay Cali sa gulat ng bigla itong sumigaw. "I will take you to my house muna. You can't go back to the room you're renting," pigil nito sa amin.

"Pero-"

"Anong pero? walang pero-pero. Whether you like it or not, do'n pa rin kayo sa bahay ko mamalagi. Mahirap na 'no! Baka maulit pa ang nangyari kay Ali, gusto mo ba 'yon?" pagkasabi niya nito ay agad naman akong umiling-iling.

"Syempre, hindi. Sino ba naman ang gugustuhing mangyari sa mismong anak ang ganito, sa una pa nga lang ay ayaw ko na, maulit pa kaya," rason ko naman, lahat naman siguro ng nanay ay hindi gugustuhin na maghirap ng ganito ang mga anak nila.

"Yon naman pala, e. Anak mo 'yan si Zeyo kaya sa 'yo pa rin ang desisyon pero isipin mo ito na iniisip ko lang din ang kapakanan ni Zeyo, kahit hindi ako ang nanay niyan ay ayokong mapahamak ulit si Zeyo, nakita mo naman kung gaano siya naghirap dito ng ilang oras, pareho tayong kabado sa kung ano ang maaaring resulta ng sakit na kinaharap ni Zeyo..."

"Isa pa, sa 'yo na mismo nanggaling na hindi mo kaya at hindi ka papayag na mawala sa iyo si Zeyo. Ngayon po ipakita na hindi mo talaga kaya, dahil kung ako sa 'yo, iisipin ko 'yong kapakanan at ikakabuti niya," napangiti ako kay Cali matapos niyang sabihin ang mga ito.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na maging emosyonal kaya naman napayakap ako sa kaniya. "Salamat talaga Cali. Sobra-sobra akong nagpapasalamat sa 'yo dahil hindi mo kami pinapabayaan, hindi mo kami iniwan ni Zeyo sa mga panahong kagaya nito. Sobrang laki ng tulong na naibigay mo sa aming mag-ina, na halos parang ikaw na rin ang tumayong tatay para kay Ali," hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng bigla siyang tumawa at tinapik ako sa balikat.

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon