CHAPTER 10

24.2K 697 243
                                    

"Clein Jeremiah Felix, Third Zendrick Belarde’s boyfri—, boy f-friend. K-kaibigan n'ya." sasabihin niya lang na kaibigan siya nauutal pa. Napalingon ako kay Third ng biglang may ma-realize ako.

Hinarap ko ulit si Clein. “Ano ulit buong pangalan niya?” tanong ko rito na pangalan ni Third ang tinutukoy ko.

“Third Zendrick Belarde.” hindi nga ako nagkamali ng pagkarinig.

“Belarde?” ulit ko pang tanong, ‘di lang ako makapaniwala.

“Third Zendrick Belarde.” muling sagot naman nito, bahagya pang tumaas ang kilay niya na mahahalata ang sama ng tingin sa akin. Nagtataka lang ako, e.

“Sorry kung paulit-ulit ako, nagtataka lang kasi ako kung bakit pareho kami ng apelyido,” paliwanag ko rito, nanlaki naman ang mata niya na nagkatitigan pa sila ni Third.

“Ha? Talaga ba?” bakas sa mukha ni Third ang pagkagulat din sa sinabi ko, nakaawang pa ang bibig nito matapos magtanong.

“Gianna Amelia Denise Belarde ang buong pangalan ko—”

“Hindi kaya...” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Clein.

“What’s happening?” singit din ni Zayne.

“Hindi kaya? Ano?” pakiramdam ko kasi ay may iba pa siyang gustong sabihin, hindi niya lang matuloy.

“Pwede bang malaman pangalan ng tatay mo, Gian?” imbes na sagutin ni Clein ang tanong ko ay nagtanong sa akin si Third.

“Para saan ba?” tanong rito ni Zayne na bakas na rin ang pagka-inip.

“Baka po puwede n’yong sabihin kung ano ang pangalan ng tatay niyo?” hindi pinansin ni Third ang tanong ni Zayne, ako pa rin ang pinakiusapan nito.

“F-ferdinand. Ferdinand Belarde. B-bakit?” sagot ko na lang sa kaniya, habang sinasabi ko ‘yon ay nauutal pa ako, pakiramdam ko ay may kakaiba rito. Matapos ko namang sabihin ‘yon ay muling nagkatitigan ang dalawa.

“Tama nga ang hula ko!” nagtataka ko namang nilingon si Clein. Ano raw? Anong hinulaan niya.

“Hindi namin kayo maintindihan, pwede bang sabihin niyo na lang kung ano ang pinag-uusapan niyo?” magtatanong na sana ako kaso naunahan na ako ni Zayne kaya hinayaan ko na lang, at hinintay ang isasagot ng dalawa.

“Baka po kasi hindi kayo maniwala.” Nag-aalangan saad ni Third, napansin ko pa na ginagalang na niya ako. “Pero base po sa sinabi niyo, hindi po nakapagtataka na magkapatid po tayo...sa ama po. Sigurado po ako.” Natulos ako sa kinatatayuan ko matapos niyang sabihin ‘yon. Kapatid sa ama? Pero paano?

“Ilang t-taon ka na?” tanong ko rito, imposibleng maging kapatid ko siya, napaka-imposible.

“24.” tipid na sagot nito.

“24?” pag-uulit ko na tumango naman siya agad. “Sabi na, eh. Imposibleng maging kapatid kita. Masyado ka nang matanda para maging kapatid ko, nagkakamali ka lang!” kontra ko rito.

Matapos kung sabihin ‘yon ay nagmamadali siyang may hinanap sa bag, phone niya ang kinuha niya roon at mabilis na kumilos na parang may hinahanap sa phone niya. “E, ito po, kilala mo?” hinarap niya sa akin ang screen ng phone, larawan ng lalaki ang makikita ro’n, bigla ako nakaramdam ng galit dahil larawan iyon ng tatay ko.

“Cali, pasuyo naman, oh. Mauna na kayo ni Zeonne sa sasakyan ko.” Biglang wika ni Zayne na binaba si Ali mula sa pagkakakarga niya rito.

“No worries. Ako ng bahala.” inabot naman ni Zayne ang susi ng sasakyan niya kay Cali, pagkatapos no’n ay lumabas na sila, nang tuluyan na silang makaalis ay muli kong hinarap si Third.

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon