CHAPTER 02

32K 893 220
                                    

"Ang taas ng lagnat mo, Ali!" parang napapaso ang palad ko matapos itong kunin ni Ali at inilapat niya ito sa may leeg niya, kaya naman mabilis akong napabangon para tignan ang kalagayan niya.


*Hintay ka lang d'yan baby Ali ah. May kukunin lang si Momma." dali-dali akong lumabas ng silid namin para mang-istorbo ng kapit-bahay, parang nagbo-boarding house lang naman kami rito kase pagkalabas ko ng room namin ay may kaharap pa kaming room, nag-aalala na ako sa kalagayan ni Ali kaya kinapalan ko na ang mukha ko kahit wala akong kilala rito ay balewala na lang iyon sa akin.


"Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa pinto na kaharap ng room namin. Naghintay muna ako ng ilang minuto pero wala pa ring sumasagot sa akin "Tao po!" pag-uulit ko habang kumakatok pa rin. *May tao po b-" hindi pa ako tapos ng sasabihin ko ng bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang lalaki, bumaba ang tingin ko sa katawan nito, may mga butil pa ng tubig na bumabagsak mula sa buhok niya maging sa katawan niya, bumaba pa ang tingin ko hanggang sa pang-ibaba niya na tanging tuwalya lang ang nakabalot rito.


"Uhm." klinaro ko muna ang lalamunan ko, may kung ano kase na parang 'di ako makapagsalita ng maayos.


"What can I do for you, miss?" bumalik lang sa mukha niya ang tingin ko matapos niyang hawakan ang dulo ng tuwalya, natakot naman ako na baka alisin niya 'yon kaya tumingin na lang ako sa mata niya.


"A-ano..."

"A-ano?" panggagaya niya sa akin na pati ang pagkautal ko ay ginaya niya.

"Ano..."

"Ano?" naiinis na ako kase nangangapa ako ng salita kung paano sasabihin sa kan'ya kaso singit naman siya ng singit na ginagaya-gaya pa ako.


"May thermometer ka ba d'yan? P-pwede bang makahiram?" tanong ko sa kaniya.


Umangat naman ang kilay niya at bahagya pang umawang ang labi niya. "Kailangan mo na ba?" tanong nito sa akin pabalik.


"Ay hindi! Hihiram lang sana ako kase baka magamit ko in the near future, malay mo lagnatin ako sa makalawa, manghihiram na ako in advance para hindi na kita maabala sa susunod 'di ba?" rason ko sa kan'ya, kaya nga nanghihiram kase gagamitin na, eh.




"Okay, tsaka ka na manghiram kapag hindi ka na mainitin," isasarado na sana niya ang pinto ng iharang ko kamay ko.


"Nagbibiro lang, eh," pagbawi ko, "Sige na, saglit lang naman, isasauli ko lang rin naman kapag tapos na." pagpupumilit ko.


Hindi niya ako pinansin at tinalikuran na niya ako, hindi naman niya sinara ang pinto kaya sumunod din ako kaagad. "Sige na kase, pahiram na ako," pilit ko pa na hinawakan siya sa kamay para tumigil siya sa paglalakad pero maling kamay ang nahila ko dahilan para mahila rin ang tuwalya niya.


"Shit!" gulat niya pang mura.


Mabilis naman akong tumalikod. "Waaah! Sorry! Promise wala akong nakita!" tinakpan ko pa ang mukha ko kahit nakatalikod na ako.


"I-ito na o-oh! K-kahit hindi mo na isauli," nauutal niyang inabot sa akin ang thermometer.


Inilahad ko na lang ang kamay ko at 'di na ako nag-abala pang tumingin sa kan'ya. Kaagad naman niyang pinatong sa palad ko ang thermometer. "A-ano... Salamat dito, mauuna na ako!" hindi ko hinintay ang sasabihin niya at patakbo na akong lumabas mula sa room niya. Ano ba 'tong kakahiyan mo Gian!



"Ali!" tawag ko sa kaniya pagkabalik ko. Bago pa naman itong thermometer dahil nakabalot pa kaya naman 'di ko na kailangang linisan.

Nilagay ko kaagad sa armpit niya ang thermometer at hinintay na tumunog ito. "39.0°C" kinabahan ako pagkakita ko sa result. Natataranta na ako na hindi ko malaman ang gagawin ko, pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.



Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon