"'Y-yon nga po ang anak ko, Sir. Na-kidnap po ang anak ko," tiyak kong wika sa pulis.
"Makikipagtulungan po kami sa ibang kasamahan para ma-trace kung saan dinala ang anak niyo, ano bang nangyari? Baka po may naka-away kayo at binabalikan kayo nito?"
"Wala po kaming naka-away nitong mga lumipas na taon maliban no'ng limang taon na nakalipas mula ngayon, at saka naresulba na po 'yon namin kaya hindi ako tiyak kung ano ang gusto sa amin ng mga 'yon," paliwanag ko sa kaniya.
"E, sa asawa niyo ho, ma'am? Baka may naka-away ang mister niyo na hindi niya nasabi sa inyo," usisa pa nito.
"Hindi po ako sigurado sa bagay na 'yan, pero kanina po habang nasa loob kami ng mall ay may naka-away ang asawa ko dahil napapansin namin na sinusundan kami ng mga ito, buti na lang ay may guwardiya ro'n. Sa katunayan pagkalabas namin ng mall ay nabaril pa ang asawa ko pagkarating namin sa parking lot kaya sinugod namin siya sa hospital, may hinala po ako na baka sila rin po ang sangkot sa mga nangyayaring 'to," pagbibigay ko sa kaniya ng mga impormasyon na maaari naming magamit.
"May pagkakakilanlan ho ba kayo sa mga naka-ingkwentro niyo?"
"Hindi po ako nakakasigurado dahil hindi ko talaga matandaan ang mga pagmumukha ng dalawang iyon, maliban sa isa na mukhang nakita ko na no'n, hindi ko lang matandaan kung paano at saan," hanggat maaari ay sasabihin ko lahat ng nalalaman ko para lang malutas ang problemang ito.
"Natatakot ako, Sir. Baka po kung ano ang gawin nila sa anak ko, pakiusap po gawin niyo po ang makakaya niyo para matulungan kaming mahanap ang bata," pakikiusap ko sa kaniya.
"Tutulungan po namin kayo sa abot ng makakaya namin. Maaari rin namang tawagan kayo ng mga kidnapper para sa ransom o kung ano mang kailangan nila sa inyo, kapag sinabi nila sa inyo ang pakay nila ay h'wag kayo magdadalawang-isip na sabihin sa amin ang mga impormasyon na makakatulong para madaling mahanap ang kinaruruonan ng anak niyo," habilin niya na tinanguan ko kaagad, hiningi rin niya ang mga impormasyon ko para ma-update ko sila sa mga mangyayari. Gano'n din ang ginawa ko, humingi ako ng contact sa kaniya para sa t'wing may importante akong ibabalita ay kaagad kong masasabi.
"Maraming salamat po," naiiyak na saad ko matapos niya akong abutan ng papel na nakasulat ang magsisilbing contact ko sa kanila.
"Mas mabuti kung uuwi po muna kayo para makapagpahinga, ilang case na po ang na-encounter namin gaya ng sa 'yo, hindi naman po ata nila kukuhain ang anak niyo ng walang dahilan, tatawagan kayo no'n panigurado para ibigay niyo ang gusto nila mula sa inyo," pilit na lang akong ngumiti at tinanguan siya bago ako tuluyang umalis dito sa police station.
Kahit naman pilitin ko ang sariling magpahinga ay 'di ko iyon magagawa, nag-aalala ako sa kalagayan ng anak ko, ni hindi ko pa nga alam kung buhay pa ba si Ali sa mga oras na 'to. Baka sinaktan na nila ang batang 'yon, baka pinapahirapan nila, gutom pa naman si Ali, baka hinayaan nilang magutom lalo ang batang 'yon.
Ganiyan ang mga naiisip ko habang pabalik ako sa ospital kung saan naro'n si Zayne. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay naabutan ko na itong gising.
"S-saan ka g-galing?" bungad niya sa akin na hirap pa siyang magsalita, nakahawak pa siya sa may tagiliran niya kung saan tinamaan ng bala nang baril.
"A-ano...hinatid ko lang si Ali sa bahay ni Cali, p-para may magbabantay sa k-kaniya," pagsisinungaling ko, naisip ko na hindi ito makakabuti para sa kaniya, sasabihin ko na lang ang totoo kapag gumaling na siya, pero sana naman ay mahanap ko kaagad si Ali bago pa man si Zayne makalabas dito.
BINABASA MO ANG
Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)
General FictionSEQUEL of HIS INNOCENT SECRETARY - UNEDITED Are you ready for her pleasuring game? Started: September 30. 2021 Ended: October 24. 2021