CHAPTER 05

29.8K 818 685
                                    


"Uunahin mo pa ba 'yan kesa sa kinabukasan ng anak mo, Gian? Hindi mo naman siguro gugustuhing mawala si Ali sa 'yo, 'di ba? Wala ka nang magagawa, Gian! Unahin mo ang anak mo, isipin mo si Ali! Huwag mo hayaang pagsisihan mo ito bago ka kumilos, hanggat maaga pa, hanggat pwede pa ay gawin mo na, Gian. Maawa ka sa anak mo, tignan mo ang kalagayan niya." naiiyak naman akong tumango sa kaniya, tinignan ko muna si Ali bago ko kinuha ang phone ko at di-nial ang number ni Zayne.



"Z-zayne." bungad ko matapos nitong sagutin ang tawag, I didn't delete his number  after we messed up our relationship. Kaya naman 'di ako mahihirapan na makausap siya.



"Who's this please? I'm still working so please whatever you need tell me right away," sagot nito sa akin na mukha talagang nagmamadali dahil ang bilis niyang magsalita.



"Hindi mo 'ko nabobosesan?" tanong ko rito.



"What? I don't have time to fool around with you, if you don't need anything, I'll end this call. You're a nuisance," wika naman nito na mukhang naiinis na.


Walang pasensya!


"Teka lang, h'wag mo ibababa. A-ako 'to, Zayn—"



"G-gian? Is this you?" sigaw niya matapos atang mabigla. Mukhang ngayon niya pa lang ako nabobosesan.



"Y-yes. Ako ito, Zayne," pagpapakilala ko naman.



"I didn't expect this from you, Why did you call? Do you need something? How about my baby Zeonne, how is he? Have you changed your mind? Won't you take Zeonne away from me anymore?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.



"Uhmm. Ah-y-yes, Zayne. Hindi ko na itatago sa Zayne, pero tsaka na natin pag-usapan 'yan, kailangan na kailangan ka ni Ali ngayon," pagpayag ko sa sinabi niyang hindi ko na ilalayo si Ali sa kaniya. Hindi ko na rin pinalampas pa at wala akong sinayang na oras, sinabi ko na kaagad sa kaniya ang sadya ko.




"Why? What happened to baby Zeonne, Gian?" mabilis na pagtatanong nito.



"Nasa hospital kami ngayon, Zayne. Meron siyang severe dengue, kailangan niya ng red blood and platelet transfusion within 48 hours. Kailangan ka ni Zeonne, Zayne. Ikaw na lang ang pag-asa niya, pwede ka bang makapunta kaagad?" paliwanag ko rito.



"Of course, I will. Just send me the location, so I can go right away," hindi naman siya natagalang nagdesisyon, agad naman siyang pumayag sa gusto kong mangyari. Binaba ko na ang tawag at kasunod no'n ang pagsend ko sa kaniya ng pangalan nang hospital maging ang exact address nito.



"Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo na hindi mo na itatago si Zeyo kay Zayne pagkatapos nito?" tanong sa akin ni Cali matapos akong naupo sa couch na nasa loob ng room ni Ali.



"Syempre hindi," walang kabuhay-buhay kong sagot sa kaniya.



"What?! Pero 'yon ang narinig ko sa 'yo kanina, nagsisinungaling ka lang ba?" gulat na pag-uusisa nito.



"Kailangan Cali! Ako ng bahala, kailangan kong magsinungaling dahil hindi pwedeng mapunta kay Zayne si Ali, sinabi ko lang 'yon para pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak niya. May naisip na akong plano, hindi ko hahayaan na tuluyan niyang makuha si Ali sa akin, the only thing I need is your cooperation. Please?" pagbabaka-sakali ko.



"Gano'n ba talaga kalala ang takot mo na baka gawin ni Zayne sa inyo ang sinabi sa 'yo?" pagtatanong nito imbes na sagutin ang hiling ko sa kaniya.



Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon