CHAPTER 14

20.3K 519 85
                                    


Lilingunin ko na sana si Ali ngunit wala na siya sa dati niyang pwesto. “Nasaan na ang batang ‘yon?” tanong ko sa sarili ko.

Lumingon-lingon ako sa palikod ko para hanapin ang bata pero hindi ko ito matagpuan “Hindi mo ba napansin, Zayne?” pagbabaka-sakali kong tanong sa kaniya.

“I’m busy with you that’s why I didn’t see him, ang bilis naman niyang nawala,”

“Hanapin na kaya natin?” suhestiyon ko kay Zayne na malayo ang tingin sa akin kaya napalingon ako sa direksiyon kung saan siya nakatitig, natagpuan ko naman ang lalaki na nakangisi habang nakaharap kay Zayne pero pagdaan lang ng ilang segundo ay tinalikuran na nito si Zayne.

“Baka bumalik lang din ‘yon dito, kung hahanapin natin pareho ay baka magkasilisihan tayo,” suhestiyon niya rin matapos nitong lumingon ulit sa akin. “Ako na lang ang maghahanap dito ka na lang baka sakaling bumalik pa talaga ‘yon,” plano niya na sinang-ayunan ko na lang din.

Malaki rin kasi ang palaruan na ito, tsaka marami rin ang mga taong narito kaya baka mahirapan si Zayne na hanapin ang batang ‘yon. Lumipas na ang ilang minuto pero wala pa ring bumabalik si Zayne, nag-aalala na ako kung nahanap na niya ba si Ali o hindi pa. Hindi rin ako mapakaling patingin-tingin sa paligid nagbabaka-sakaling makikita ko ito ngunit wala talaga, hindi na ako mapakaling nakatayo lang dito, walang ginagawa kundi nakatunganga lang na naghihintay ng walang kasiguraduhan.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hanggang ngayon ay wala pang bumabalik kahit isa sa kanila. Hindi ko na talaga kayang maghintay lang kaya nagsimula na rin akong maghanap. Kung saan-saan ako tumitingin baka nakikisunod lang ang batang ‘yon o kaya naman ay nagsuot kung saan-saan kaya natatabunan ito ng mga naglalakihang tao, ang liit pa naman ng isang ‘yon kaya mahirap ding hanapin.

“Ali!” nakita ko siya kaya agad kong nilapitan, nakatalikod ito kaya naman pinaharap ko sa akin, “Ay sorry, ‘di pala ikaw ang anak ko,” paghingi ko ng tawad lalo pa’t inakala kong si Ali ‘yon

Masamang tumingin naman sa akin ang nanay nito. “Ano ba ‘yan! Nakakagulat ka ate, bigla-bigla ka na lang nanghihila ng bata,” reklamo sa akin ng nanay nang bata.

“Pasensya na po, akala ko po kasi ‘yong anak ko, e,” muli kong paghingi ng tawad.

“Ingatan mo kasi ‘yang anak mo, bantayan mo para hindi nawawala,” sermon pa nito sa akin, pilit na lang akong ngumiti at iniwan na ito.

Muli ko nang inikot ang loob ng palaruan para hanapin si Ali, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito makita, kahit maging si Zayne ay wala pa rin, makailang ulit na rin akong nagpabalik-balik sa area ng basketball games baka sakaling nakabalik na sila pero wala pa rin talaga.

Pinagpapawisan na ako ng malamig, hindi na rin ako mapakali at nahihilo na ako kakatingin kung saan-saan ngunit wala talaga, pero wala sa loob ko ang tumigil, kahit kinakabahan na ako ay patuloy pa rin ako sa paghahanap. “Nasaan ka na ba, Ali?” mangiyak-ngiyak na tanong ko sa sarili ko.

Habang nagpupunas ako sa mata ko ay hindi ko napansin na may makakabanggaan pala ako, tumama nga ako sa dibdib nito.

“Pasensya na po,” paghingi ko rin ng tawad rito, tinititigan niya lang ako na may kakaibang tingin ang binaling sa akin, pilit din itong ngumiti, lumapit sa akin ang mukha niya na akala ko ay may ibubulong sa tenga ko dahil do'n ang direksiyon ng ulo niya kaya natulos ako sa kinatatayuan ko, pero wala naman itong sinabi, bahagya niya lang akong binangga sa balikat at umalis na.

Bakit parang tanda ko siya? Hindi ko lang talaga tanda pero pakiramdam ko ay nagkita na kami no’n.

“You want?” habang lumalayag ang ang isip ko kakaisip sa lalaking ‘yon dahil namumukhaan ko talaga siya, hindi ko lang maalala kung saan kami nagkita noon ng biglang marinig ko ang boses ni Third kaya bumalik ako sa wisyo ko na tumingin sa kaniya.

Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon