CHAPTER 21

18.6K 515 240
                                    


This part was dedicated to @LoraneOng8.  Thank you for the support and always being here patiently waiting for my updates. Keep safe!

•••

Trigger Warning: (R18+) Read at your own risk!

Kaagad ko siyang ginawaran ng malakas na sampal. “Hayop ka! Napaka-baboy mo! Dahil sa pangtangka mong paggahasa sa akin ay halos magkasakit ako, napaka-baboy mo!” sumbat ko sa kaniya sa mga pinagdaanan ko no’n dahil sa nangyari.



“Dahil may gusto na ako sa ’yo no'n pa man, Gian!” katwiran sa akin ni Connor


“Pinagsasabi mo r’yan? Ni hindi nga kita kilala, ni hindi ko nga alam kung anong rason mo para magustuhan ako? Tsaka paano mo plinanong gahasain ako, ha? E sa birthday party lang naman ata ni Aiden mo ako nakita!” nagngitngitan ang mga ngipin ko sa sobrang galit ng itanong ko ito sa kaniya, kasabay pa ang pagkuyom ng kamao ko para pigilan ang sarili.


“Of course. Wala kang alam, wala kang pakialam, wala kang maalala dahil kung tutuusin kahit isang beses no’n hindi mo man lang ako binibigyan ng pansin,” pag-amin nito na ipinagtaka ko kaya naman kumunot ang noo ko.


“Ano bang pinagsasabi mo r’yan? Nau-ulol ka na ba?” sigaw kong tanong sa kaniya.


“What do you mean, Kuya?! Siya ba ang kinikuwento mo sa akin?” tanong din ni Sabrina dito na mas lalo akong naguluhan.


“Anong alam mo, Sabrina?” nagtanungan na naman kami dahil wala man lang sumasagot sa tanong ng isa’t isa.


“Wala ako sa lugar para magsabi, Gian. Si Kuya lang ang makakasagot sa 'yo,” iyon lang ang sinabi niya at hinayaan na niya ako, umakyat na siya sa taas dala-dala ang bag nito.


“Anong ibig mong sabihin, Connor?” dala ng kuryusidad ay pursigido akong malaman ang totoo. “Ano ba! magsalita ka! Ano ang ibig-sabihin mo ro’n?”


“Naalala mo ‘yong palaging nagpapadala sa ’yo ng lunch sa school? Ako ‘yon. Naalala mo ‘yong nagpahiram sa ’yo ng payong no’ng umuwi kang nababasa ng ulan? Ako ‘yon, Gian! Naalala mo ‘yong umamin sa ’yo sa mismong gitna ng gymnasium? Ako 'yon, hindi naman masakit na tinanggihan mo ako sa gitna ng maraming tao,”


“Hind—"


"Oo, Gian. Aamihin ko na ginusto kong umamin sa ’yo sa harap-harapan pa ng maraming tao, nakakahiya man ay sinubukan ko pa rin. Pero hindi 'yon ang point ko, e,” hindi ko magawang sagutin ang mga sinasabi niya, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung paano magsasalita gayong walang lumalabas sa bibig ko kahit subukan ko. Naalala ko na kung sino ang tinutukoy niya, hindi ko alam na siya na pala 'yon, malaki ang kaniyang pinagbago, lalong-lalo na Ang itsura niya.


“Sana man lang binigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan sa 'yo ang nararamdaman ko. Sana man lang hinayaan mo akong sumubok na mahalin ka, ginawa ko lahat ng pagpapansin na p’wede kong gawin para man lang mapansin mo ‘ko pero lahat ng iyon ay wala lang sa ’yo,” sumbat niya sa akin, kitang-kita sa kaniya na mukhang nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari.


“Unang-una pa lang sinabi ko sa 'yo na wala kang chance sa akin. Ginawa ko ‘yon dahil ayoko naman na masaktan kita. Pero kahit anong pigil ko sa ’yo hindi ka nakinig sa akin, pinilit mo pa rin ang sarili mo kahit wala ka naman talagang pag-asa na,” wika ko rito, alam kong masakit ito ngunit wala akong pamimilian kundi sabihin sa kaniya ang totoo.


“Lahat ng effort ko ay parang walang silbi sa babaeng kagaya mo. I tried my best for you Gian hanggat kaya ko. I see. Kahit nga pala hindi ko na kaya sinusubukan ko pa rin. But you didn’t notice all my efforts.”


Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon