CHAPTER 06

31.6K 828 807
                                    


May sasabihin pa sana ako ng biglang pumasok si Zayne kaya may naisip akong gawin. "Ali, nandito na Ang Daddy Third mo!" nanlaki naman ang mata ni Third sa sinabi ko, samantalang si Zayne naman ay kunot-noong nakatingin kay Third.


Nanlaki lang ang mata ni Third na nakatitig sa akin. Gano'n siya kabigla sa sinabi ko. "Daddy?" napalingon ako kay Ali matapos nitong magtanong.


"Yes, baby Ali! Kaya pagaling ka na, ha? Para makapagpasyal na kayo, gusto mo 'yon 'di ba?" naguguluhan naman si Ali, pinanlakihan ko pa siya ng mata kaya tumango na lang ito.



"You're the husband pala," tumingin muna si Zayne sa akin bago tinitigan si Third.



Napakurap-kurap naman si Third sa tinanong ni Zayne. "Uh..." mukhang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ningitian ko siya at nilapitan na pinulupot ko pa ang kamay ko sa braso niya.



"Yes. He's my husband, 'di ba, hon?" malambing pa ang boses ko habang tinatanong siya.


Napatingin naman si Third sa kamay kong nasa braso niya ng higpitan ko ang pagkakahawak dito "Y-yeah. Yes, hon!" sagot naman nito na pinagdiinan pa ang 'hon'. Nakahinga ako ng maluwag dahil nag-aalangan ako at kinakabahan na 'di siya um-oo sa akin, masira pa ang plano ko.



Napalingon naman ako kay Zayne na kitang-kita pa rin ang pagtataka sa mukha. Umiwas pa siya ng tingin, at sa muling paglingon nito ay parang dismayado siya.



"Who is he?" pagkakuwa'y tanong ni Third sa akin.



"Uhm. A friend. He's a friend of mine," walang pag-aalangang sagot ko rito. Habang sinasabi ko iyan ay kay Zayne ako nakatitig, napansin ko pa ang ilang ulit niyang paglunok. "Siya ang nagdonate ng dugo kay Ali, hon," dagdag ko pa.



"Really? Thank you for agreeing to donate blood sa anak... k-ko," pasasalamat dito ni Third na kitang-kita sa kaniya ang sinseridad, best actor.



"Your son?" gulat na tanong ni Zayne na peke pang ngumisi. "When did you become his father?" sumisigaw na tanong pa nito, napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya maging ang pagkunot ng noo niya, at paglalim ng mga mata nito.



Hindi nga ako nagkamali ng lumapit ito kay Third kasunod ang paghila niya sa kwelyo ng suot nito. "Stop that, Zayne!" sigaw ko naman sa kaniya na hinila ang kamay niyang nasa kwelyo pa rin ni Third. "We're in the hospital and Ali sees you, don't do anything you will regret. Respect my son... and also my husband," giit ko pa rito.



"Respect? How about me? You also didn't show some respect to me, Gian," matapos isumbat sa akin ni Zayne iyon ay padabog na siyang lumabas.



"Bakit gano'n ang pagpapakilala mo sa akin sa kaniya? Nabigla naman ako!" bungad ni Third sa akin.



"Tsaka ko na lang sasabihin sa 'yo, kailangan mo nang umuwi para makapagpahinga ka," pag-iiba ko.



"Well, I'm sleepy too. I'll be back na lang kapag may time ako, bye Ali!" paalam nito sa amin kaya sumang-ayon na ako sa desisyon niya.



Pagkaalis ni Third ay binalatan ko na ang isang prutas para pakainin si Ali. Maaga pa lang umalis si Cali kanina dahil may aayusin pa raw ito sa kompanya. Maya-maya lang ay nandito na rin 'yon.



"M-m-momma, is it t-true po ba na 'yong l-lalaki po kanina ang t-tatay ko?" tanong ni Ali sa akin kaya napatigil ako sa pagbabalat.



"He's not your father, baby Ali," pag-amin ko sa kaniya ng totoo.



"W-why did you say earlier t-that he was my f-father, Momma?" dagdag pa nito na hindi pa rin maayos ang pagsasalita.



Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon