Belle's POV
Matapos akong igala ni Manang Lolita ay umupo ako at nagpahinga sa kwarto na paglalagian ko. Nakakapagod. Sa sobrang laki ng bahay ay mapapagod ka talaga kung gagalain mo ito.
"Dito ang kwarto nating mga katulong!" Tiningnan ko ang paligid. Malaki ang kwarto kumpara sa normal na silid ng mga katulong.
Mayroon ditong tatlong higaan. Tatlo lang? Nakapagtataka.
"Ilan po tayong katulong dito?" Hindi ko na napigilang hindi magtanong.
"Tatlo!" diretso at walang emosyong sagot nito.
"Bakit tatlo lang?" sunod ko pang litanya.
"Mas mabuting manahimik ka na lamang. Limitado ang sasabihin mo dahil nandito ka na sa bahay ng makapangyarihang Allu Salvador," wika nito na masama ang tingin.
Sabi ko nga, tatahimik na ako.
"Okay po." tanging sagot ko na lamang.
Nakakatakot ang awra ni Manang Lolita.
"Nandito na pala ang bagong katulong. Ako si Miah" sabi ng babaeng kapapasok lang.
"Belle Sanchez!" 'yon lamang ang tanging nasabi ko. Hindi na din ako nag- abalang ilahad pa ang kamay ko para makipagkamay.
—
Saktong isang linggo ng pananatili ko dito ngayong araw. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga katulong dito. Ako, wala akong ginagawa kundi minsanang pagtulong lamang sa pagluluto at paglilinis ng ilang parte ng bahay. Si Miah, palagi siyang wala. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Galang katulong ba? Hehe!
Ang boring dito, putcha!
Naisipan kong maglibot dito. Parang mall lang, 'diba? Maraming kwarto ngunit ang sabi sa akin ni Miah ay hindi daw lahat pwedeng buksan at pasukin ng kahit sino. Si Sir Allu at Sir Axl lamang ang nakakapasok sa mga kwartong iyon.
Habang naglalakad ay may nakaagaw ng pansin ko. Isa sa mga kwarto na hindi maaaring pasukin ay may kawang ang pinto. Kahit na may kawang ay wala kang maaninag na kahit kaunting liwanag. My curiosity hits me so bad.
Walang pag- aalinlangang lumapit ako at hinawakan ang door knob. Sinimulan kong itulak ng dahan- dahan ang pinto para hindi marinig ang pag- ingay kung sakali man.
Matagumpay akong nakapasok. Madilim. Wala akong makita. Wala akong ideya sa kung anong meron dito. Unti- unting bumigat ang pakiramdam ko. Kinakapos ako ng hininga ng hindi ko malaman kung ano ang dahilan.
What's this fucking feeling inside?
Nagsimulang igalaw ko ang aking mga paa. Bawat hakbang ko ay mabigat. What the hell in here?
Binunot ko ang maliit na flashlight sa bulsa ng uniform na suot ko. Nang makuha ko ito ay mabilis na binuksan. Kumalat ang liwanag ng flashlight na hawak ko sa apat na sulok ng kwartong ito.
YOU ARE READING
Hurtful Truths Behind Lies
РазноеLies does changed her life. Lies just ruined Belle's life.