Axl's POV
We are now at Batangas. Dinala ko si Belle dito sa aming private resort hindi dahil trip ko lang. I have reasons why I did that. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. I want to be straightforward to her.
As I requested, ayoko nang marinig siya na tinatawag akong Sir. It's kinda irritating. Ayoko na tinitingnan ako ng iba bilang isang mataas na tao, lalo na siya.
Hindi nga niya ako tinawag na Sir, ma'am naman ang ipinalit. Why the hell she called me ma'am? Is she out of her mind? Masyado talaga pilosopo ang babaeng ito.
"Ang ganda sobra dito!" she said excitedly.
"Maganda talaga!" I turned my head, faced to her. Ang ganda mo talaga. "Magandang-maganda!"
"Sir? Okay lang po ba kayo?" she asked while waving her hands to my face. "Ayy Axl pala! Okay lang po ba kayo?"
"Uh-oh...o-oo, okay lang ako!" Hindi ko na namalayan na titig na titig na pala ako sa kaniya.
"Ibang maganda ang tinutukoy mo." Nakangiting aniya. "Alam kong maganda ako pero 'wag niyo naman pong ipahalata ng sobra." Grabe din talaga ang confidence level nitong babaeng ito. Lumagpas sa isang-daan.
"Iba din ang level of confidence mo, ano? Confidence pa ba yan o kapal na talaga ng mukha?" I uttered while chuckling.
"Grabe naman. Talagang alam ko lang na maganda ako. Sobra ka sa makapal ang mukha." sabay hampas sa aking balikat.
"It's getting late, magpahinga muna tayo. Bukas sasabihin ko kung ano ang dahilan ng pagpunta natin dito!" I uttered seriously. Sana hindi niya ako iwasan kapag sinabi ko na ang plano kong sabihin. Sana kaya niyang tanggapin.
"Tara na!" Inaya ko na siya papunta sa isang VIP room ng hotel. Hindi naman siya nagreklamo pa, madali siyang sumunod sa akin. Since we owned this resort, we're free to have everything.
Wala nang nagpasya pang magsalita sa aming dalawa.
"Teka lang pala..." pagbasag niya sa katahimikang namagitan sa aming dalawa.
"Yes?"
"Wala akong damit. Wala akong lahat!" she sounds uncomfortable. "Hindi ko alam na bibitbitin mo ako dito kasi sino ba naman ako para dalhin sa ganitong kagarang resort? Katulong lang naman ako!" she said continuously.
"Don't worry. I'll make up things for you!" I uttered assuringly.
Dahil nga we owned this resort, anytime ay handa ang mga staff.
Pagkarating namin sa isang VIP room, agad ko siyang pinagpahinga.
"Tutulog ako ng ganito ang suot ko? Nakapang-katulong pa ako oh!" Her aura changed when she's not calling me Sir and without "po" in any sentence she say.
"Hindi ba at sinabi kong huwag ka nang mag-alala. Nakahanda na ang lahat. At hindi naman ako papayag na matulog ka ng naka- maid suit, ano!" I simply comfort her.
YOU ARE READING
Hurtful Truths Behind Lies
De TodoLies does changed her life. Lies just ruined Belle's life.