Chapter 13: The Party II

73 3 2
                                    

Belle's POV

"Sir, bitiwan niyo ako. Nasasaktan ako!" Pilit akong nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa aking braso.

"Anong ibig sabihin n'un? Bakit ka nakikipag-away kay Alyssa?" tanong niya gamit ang kaniyang seryosong tono. Nakakapanindig balahibo talaga kapag seryoso ang isang tao pero mas nakakapanindig balahibo ang mga titig niya sa akin.

"Pasensiya po, Sir!" iyon na lamang ang naging sagot ko. Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.

Hindi ko alam kung saan ba ako hinila ng lalaking 'to. May fountain at malawak ang lugar na kinatatayuan namin ngayon. Kahit na gabi ay mahahalata pa din ang ganda nito.  Basta ang alam ko lang, inakay na niya ako palabas nang mabawian ko ng sampal ang demonyitang Alyssa na 'yon. Nanggigigil ako sa kaniya. Huwag lang talaga siyang magpapakitang muli sa akin kundi mag-asawang sampal ang ibibigay ko, may kabet pang sipa.

"Hindi ba ang kabilin-bilinan ko sa 'yo ay huwag kang gagawa ng gulo? Eh, anong ginawa mong 'to? I'm sure, mapagagalitan ka ni Dad kapag nalaman niya!" sermon niya. Para akong batang walang magawa kundi ang tumungo na lamang.

I'm more than sure na ikaw ang mapagagalitan kasi ikaw ang nagdala sa akin dito.

"Hindi naman talaga ako dapat papatol, eh siya 'tong ayaw akong pakawalan!" wika ko habang nakatungo pa rin.

"Pero hindi pa rin tamang pumatol ka!"

"Kasalanan naman niya eh!"

"Belle, alam mo bang Alyssa is the daughter of one of the richest businessman in the country? Sana hindi mo na lang pinatulan!" I can sense his disappointment on me.

Malay ko bang mayaman 'yon?

"Mayaman ba 'yon? Mukhang naghihirap eh kasi pambili lang ng papel ay hindi pa nakabili. Biruin mong gawing painting paper ang mukha niya! Ang galing nga eh kasi na-i-paint niya si Joker." wika ko ng walang pag-aalinlangan.

Hurtful Truths Behind LiesWhere stories live. Discover now