Belle's POV
Last two months of staying here as maid. I have still no idea kung nasaan ba ang hidden lab slash secret den na pinaggagawan ng mga droga. Sino ba kasing nakaimbento ng salitang secret? Ni hint na magtuturo para mapadali ang paghahanap ko ay wala din akong makita. Pabawas na ng pabawas ang oras ko.
Kung noon ay nagmamatsag lang ako sa mga kwarto at palakad- lakad lang sa hallway, ngayon halos nalilibot ko na ang buong bahay.
Medyo malaya pa akong nagagawa ang misyon ko. Dahil nga sa madalas na wala si Sir Axl at lalo na si Sir Allu ganun na din si Miah, nalilibot ko ang bahay. I do inspecting with all I care.
Ang ipinagtataka ko pa rin ay kung bakit palaging wala si Miah dito. Is she really not a maid? I'm just wondering about it.
"Belle!" tawag ni Manang Loli. Mula sa kinuupuan kong malaki at malambot na sofa ay napatayo ako.
"Manang, bakit po?"
"Sabado ngayon, hindi ba? Alam mo naman siguro na inilalabas ang basura kapag sabado...kaya ilabas mo na ngayon. Baka maiwanan pa ng bin collector!" malamig na litanya nito.
"Ay oo nga po pala!" sabi ko habang napapatakip pa sa bibig. Mabilis akong lumabas at kinuha ang itim na garbage bag saka isinilid dito ang mga basura.
Nakakainis lang kasi parte na talaga ng pagiging isang secret agent ang mga ganitong gawain. Minsan na din nga akong naging estudyante dahil din sa minamatsagang suspect, eh samantalang 25 years old na ako tapos ngayon katulong.
Tsk. Grabe.
Nang nailabas ko na ang mga basura ay tinanong ko si Manong guard.
"Manong, gaano katagal na po kayong nagta- trabaho dito?" tanong ko.
"Bakit mo naitanong?" balik na tanong nito sa akin.
Bakit ba ang hilig nitong sagutin ang tanong ko ng tanong din? Grrr, nakakainis ha!
"Ah wala po. Hindi ba kasi ang mga katulong dito ay anim na buwan lang ang kontrata? Inaalam ko lang kung parehas din sa security guard dito!" Baka sakaling may alam siya at madulas sa mga sasabihin na pwedeng mag- lead sa akin sa hidden lab. At saka, magandang pagkakataon ito para magtanong- tanong habang wala pa si Sir Axl at habang hindi pa ako tinatawag ni Manang Loli.
"Ahhh gaya ng katulong, ganun din ang amin. Anim na buwan din. Nakapagtataka nga eh dahil hindi naman ganito sa ibang pamilyang pinasukan ko. Isa kasi akong guard na ipinapadala ng agency sa mga pamilyang nagre- request ng bantay!" walang hintong kwento nito sa akin. "Sa totoo nga niyan eh nababahala ako kapag natapos na ang kontrata ko dito. Hindi ko alam kung may mapapasukan pa ako dahil sa kakaunting request lamang ang dumadating sa agency. Maswerte pa nga ako kasi ako pa ang nipiling ipadala dito. Malaking tulong na din para sa pambuhay sa pamilya ko!" napabuntong- hininga na lamang siya.
YOU ARE READING
Hurtful Truths Behind Lies
RandomLies does changed her life. Lies just ruined Belle's life.