Belle's POV
"Agent Sanchez, bakit hindi mo kami in- inform na may kontratang ibinigay ang mga Salvador? Sa tingin mo ba sasapat ang anim na buwan para magapi natin ang mga kalaban?" sermon ni Dad.
Nandito ako ngayon sa headquarters. At kasalukyan akong sinesermonan ng aking ama.
"Pasensya na po. Hindi ko po ipinaalam dahil gusto kong tapusin ang misyon ng walang masyadong pabor na hinihingi sa grupo!" sinserong ani ko habang matikas na nakatayo at nakatitig sa aking ama.
"Agent Sanchez, nasa isang organisasyon ka kaya kung ano ang misyon ng isa ay misyon din ng lahat. Problema mo ay problema ng lahat. Kaya anong dahilan mo para huwag magsabi sa amin o sa akin man lang?" medyo lumalakas na ang boses niya.
"Dahil ayaw kong ma- disappoint kayo!" I'm trying to compose myself. Pilit akong kumakalma kahit na napapahiya na ako sa mga kasamahan ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito sa akin ang sarili kong ama pagdating sa trabaho. Pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng loob niya sa akin. Pagdating naman sa bahay ay iba siya lalo na kapag kaharap si Mama.
"Sorry, Sir. Pasensya na po, hindi na mauulit!" lumambot na ang aking pagsasalita. Hindi gaya kanina, my composure changed to smooth one.
"Permission to speak. Alam ko po na may kontrata si Agent Sanchez!" si Agent Michael Servano.
"Agent Servano, how did you know?" ibinaling ni Dad ang atensyon niya sa nagsalita. Ako naman ay lumingon din ng may pagtataka.
"Sinabi po ni Agent Sanchez sa akin pero hindi ko sinabi sa inyo. Nangako ako sa kanya na ako na ang magsasabi sa grupo!" seryosong litanya nito.
Ha? Paano niya nalaman, eh wala akong pinagsabihan.
"Ano? Bakit hindi mo sinabi?" halatang galit na si Dad.
YOU ARE READING
Hurtful Truths Behind Lies
DiversosLies does changed her life. Lies just ruined Belle's life.