Belle's POV
Damn, nahihiya na akong bumalik sa headquarters. Ikaw ba naman ang sermonan ng nakatataas na sarili mo pang ama sa harap ng mga kasamahan mo eh, ewan ko na lang kung hindi ka makaramdam ng hiya.
"Belleeee!" nahimasmasan ako sa tawag na iyon.
"Manang, bakit po?" Mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng matanda.
"Kababalik mo nga lang, tatambay ka pa? Tulungan mo ako!"
"Opo, Manang!"
"Kaya siguro ayaw ni Sir Axl at Sir Allu na tumatagal ang ibang katulong—bukod sa amin ni Miah—ay dahil alam nilang sa pagiging tamad ang punta niyo!" litanya nito.
Haysss! Sa headquarters nasermonan na ako, pati ba naman dito? Ano bang kamalasan ang meron sa araw na 'to? Aba, ayaw maki- ayon ng panahon ah.
"Pasensya na po, Manang!" paumanhin ko.
"Pasensya...pasensya! Bilisan mo at bubuhatin natin ang mga gamit na ipinapatapon na ni Sir Axl!"
"Sige po!" maikling tugon ko.
Hindi ako makapag- focus sa trabaho ko ngayon dahil patuloy pa rin ako sa pag- iisip kung saan ko ba matatagpuan ang hidden laboratory.
Pinasunod ako ni Manang Loli sa isa sa mga kwarto na ipinagbabawal pasukin.
"Manang, akala ko po ay bawal pasukin ang mga kwartong ito?" nagtatakang tanong ko.
"May pahitulot tayo mula may Sir...at isa pa, nandito ang mga naipong gamit na itatapon!" sagot niya habang binubukasan gamit ang susi.
Nang makita ko ay hawak ni Manang na kumpol ng susi, napaisip ako at tila may bumbilyang lumiwanag sa ulo ko. Hindi imposibleng nandito din ang mga susi ng iba pang mga kwarto. Lumalaki ang pag- asa ko na matunton ang hidden lab.
"Hoy, Belle!" tawag ni Manang.
Nabuksan na pala ni Manang Loli ang pinto. Kanina kasi ay hirap na hirap siyang piliin kung alin ang ipapasok na susi sa doorknob.
Pumasok na lang din ako at baka mabulyawan na naman.
Nang makapasok na ako ay napansin ko lamang na malaki ito at malawak ngunit ang siyang inilaki at inilawak nito ay kabaligtaran ng mga nilalaman. Iilang gamit lang ang nandito. May paintings sa pader at may isang maliit na mesa sa isang sulok. Kahit mukhang walang nakatira dito ay napakalinis pa rin.
YOU ARE READING
Hurtful Truths Behind Lies
De TodoLies does changed her life. Lies just ruined Belle's life.