Belle's POV
Oras ng pag-a-update ngayon tungkol sa misyon. Pumasok ako sa comfort room dala and aking high technology watch.
Parang isang normal at mumurahing relo lamang ito kung titingnan, ngunit sa katunayan ito ay kabaligktaran. May hidden camera ito na pwedeng i- on at off anumang oras. Mayroon din itong mini speaker na siyang ginagamit para makarating sa organisasyon ang nais kong sabihin. Nakapag-re-record din ito ng nga unusual voices gaya ng tunog ng mga hayop. Ito ay ipinagawa pa ni Dad sa Amerika para talagang may magamit ako sa bawat misyong gagawin ko. Kumbaga ito ang aking radyo.
Napansin ko lang na sound proof ang mansion. Kaya naman sigurado din akong sound proof ang C.R., malaking tulong ito para sa akin. Siguradong walang sino man sa bahay ang makakarinig sa mga sasabihin ko.
Pinindot ko ang isang maliit na buton sa gilid nito para mag- function.
"Agent Sanchez is on the line!" wika ko ng may seryosong tono.
"Yes, Agent. What's the update?" si Dad ang sumagot sa linya. Bakit kaya hindi si Agent Servano? Agent Servano used to answer my calls.
"Senior Agent, there's no progress. I still have no idea sa hidden lab!" I uttered sincerely.
I used to call my Daddy as Senior Agent Sanchez kapag nasa trabaho. Syempre, professionalism.
"Don't make it rush. Marami ka pang oras! Pero dapat may maibigay ka ng impormasyon tungkol sa lab para masimulan na din ng grupo ang pagpaplano ng dapat gawin!" sagot ni Dad sa kabilang linya.
Anong don't make it rush? Eh less than two months na lang ako dito.
Ay, naalala ko na hindi nga pala sila aware na 6 months lang ang pag- stay ko dito. Damn this, kargo ko 'to.
"Copy Senior Agent Sanchez," matapos niyon ay pinindot ko ng muli ang buton ng relo.
Problema ito.
Pinihit ko na ang doorknob para sana lumabas ngunit may lalaki ang humarang dito. Nanlaki ang mga singkit kong mga mata.
Anong ginagawa niya dito? Hindi kaya narinig niya ang sinabi ko? Baka hindi talaga sound proof dito?
"Hi!" bungad nito.
"Ah-h Sir A-axl," nauutal kong wika habang nakatingala sa kanya.
"Usap tayo!" sabi niya.
"Ah sige po Sir. Labas po muna ako, doon po tayo mag- usap sa salas," naiilang na tugon ko. Hindi ko magawang tumingin ng diretso kaya tumungo na lang ako.
Ngunit hindi siya nag-abalang gumalaw o hawiin ang daan.
"Get in!" he said with his voice of authority.
YOU ARE READING
Hurtful Truths Behind Lies
De TodoLies does changed her life. Lies just ruined Belle's life.