Special Chapter: Introduction of Mission!

77 5 2
                                    

A/N: This was supposed to be the prologue of the story but wattpad app is keep on lagging that's why medyo nagulo ang arrangement. So I decided to make this as an special chapter. Thank you!

—•—

Belle's POV


"Agent Sanchez, you have your new mission!" bungad ni Agent Ace. Senior agent ng aming organisasyon.

"Mission ulit? Hindi ba at katatapos ko lang po ng mission ko kahapon!?" nagtatakang tanong ko. Ang daming pwedeng gumawa ng misyon na 'yan.

"You'll be doing this as soon as possible!"

"Dad...Senior Agent Sanchez rather, maraming pwedeng gumawa ng misyon pero bakit ako na naman? Alam niyo naman po ang inabot ko," itinuro ko ang mga bandages sa braso at sa may noo ko.

"But you are just have the capability on doing this!" sabi niya gamit ang malalim at seryosong boses. "This is an order from the highest!"

Ahhh masakit pa ang katawan ko.

"Ah Agent Sanchez, asking for your permission to do the mission!" biglang sabat ni Agent Acosta. Isa siya sa mga kasamahan kong babaeng agent. Malaki din ang kapasidad niyang gawin ang mabibigat na misyon. Gaya ko, magaling din siya sa physical fighting. Sa katunayan, kaming dalawa ang naghahabulan sa ranggo.

Bakit nga ba pinupuri ko ang babaeng 'to? Tsk.

Sa huli, ako pa rin ang gagawa ng misyon. Agent Micah Acosta insist to do a mission but my father Senior Agent Sanchez refused to it. Hindi ko din alam kung bakit gustong- gusto ng ama ko na ipain ako sa kapahamakan.

"Read this!" May iniabot si Papa sa akin. Isang folder. Binuklat ko ito para malaman kung ano ang nilalaman.

Information ito ng mission na gagawin ko.

Mission to Accomplish:

Allu and Axl Salvador

Destroy the Secret Lab of Drugs

Ito ang ilan sa nakasulat sa isang puting papel.

Nang mabasa ko ang kabuuan ng information ay napakagat ako ng labi. Masyado naman atang mabigat 'to. Okay sana kung sa school o mall ang rendezvous pero hindi eh. Hidden place of drugs, ibig sabihin lamang ay tago ito ang kailangang hanapin.

Labag talaga sa loob ko ang gagawing 'to pero wala na akong magagawa. And for the sake of the organization, kailangan ko talagang gawin. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ako ang pinapagawa nito? The fact na meron mas may ability to do this easily lalo na sa pag- track ng hidden location, nagtatakang talaga ako.

Napailing na lamang ako.

"Agent Sanchez," si Agent Servano. Iniabot niya sa akin ang isang brown box.

"Ano 'to?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Maid dress,"

"Anong gagawin ko dito?"

"That would be your disguise. Magpapanggap ka bilang isang katulong sa mga Salvador nang sa gayon, hindi ka paghinalaan. At mas malaki din ang posibilidad na madali mong mahahanap ang hidden lab kung pagiging katulong ang magiging disguise mo!" dire- diretsong sagot ni Daddy.

Nice. Katulong talaga ha?

"Waaaahhhhhhh!" Napasigaw na lamang ako. Ang aga- aga tapos, inis na inis na ako.

Kapag tumagal pa ako dito ay siguradong lalalim pa ng lalalim ang usapan. Mabuting umalis na lang ako.

Bago lumabas ay hinila ko ang brown box kay Agent Michael Servano. Binuksan ko ito ang sinilip ang laman. Lalo akong nainis kasi kulay pink ang kulay ng damit. Ayoko pa naman ng kulay na 'to.

Nakakainis naman eh.


—•—

Hurtful Truths Behind LiesWhere stories live. Discover now