Chapter 20

65 3 1
                                    

Belle's POV

Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko na bang naitanong ang mga tanong na "ano ang dahilan ng pagpunta namin dito?" at "ano ang balak niyang sabihin sa akin?"! Hay! Gulong-gulo na ako, ha! Pakiramdam ko ay malaking katotohanan ang ibubunyag niya eh dahil sa sobrang pabitin niya.

Ewan ko ba kung bakit curious din ako sa gusto niyang sabihin. I have so many things on my plate right now, and I really don't know how to handle it. But there's this on my mind saying that I still want to put something on it.

Nine thirty in the morning and I am here standing at the entrance of our room. Ang sabi ni Axl hintayin ko daw siya dahil ipahahanda niya ang sasakyan ma gagamitin namin. Kalahating oras na ang nakalilipas pero hindi pa din siya bumabalik.

Habang naghihintay pa, umatras ako patungo sa kama. Nakapatong doon ang ilang gamit ko at ilang gamit din ni Axl. Napansin ko lamang na pati pala wallet niya ay nandoon din.

"Pati wallet iniwan?" bulong ko sa sarili.

Magkano kaya ang laman nito? Ang taba ng coin purse niya. Nagkukumahog ang isipan ko na alamin ang laman noon ngunit nandoon din ang presensiya ng aking konsensiya. Dapat ko nga bang tingnan?

Alam kong mali pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Unti-unti kong hinawakan ang black leather wallet niya.

"Lord, patawarin niyo po ako. Wala naman po akong nanakawin, titingnan ko lang po. Promise!" wika ko habang nakatingala na tila kinakausap ang Diyos.

Mabagal na pagbubukas ang ginawa ko.

Ano bang mayroon dito?

Plano ko na sanang isa-isahin ang laman nang leather wallet ngunit may nakapukaw ng aking atensiyon. Isang larawan ng babae.

Hindi ba at ito si Mrs. Vienna? Axl's mother?

Kinuha ko ang larawan mula sa parteng may transparent cover.

Bakit sa tuwing makikita ko ang larawan niya ay may naalala ako. I can't sense it clearly. Basta ang alam ko lang ay may parte sa aking isip at puso na kilala ko siya noon pa. Isa din ito sa mga bagay na gusto ko ding masagot.

Habang patuloy na nakatitig sa larawan ay narinig ko ang yabag ng lakad sa labas ng kwarto.

Mabilis kong ibinalik ang larawan sa wallet at saka inayos ang lagay nito sa kaninang pinaglalagyan.

Baka si Axl na yan.

"Belle!"

Oh sabi na, siya na yan!

"Axl!" balik na tawag ko sa pangalan niya.

"Let's go!" ayá niya habang nakapamulsa.

"Sige, let's go!" nakangiti ko namang tugon. "Saan nga pala ang punta natin?" patuloy ko pang tanong.

"Basta!"

Oh di sige! Basta daw eh.

After a few minutes of walking, mula sa aming kwarto ay narating namin ang labas ng kaniyang private resort. Bumungad sa amin ang isang motorsiklo.

"Ano 'to?" tanong ko. Well, kita ko naman na isang motor ito.

"This is a motorcycle!" he answered seriously.

"Oo nga! Alam kong motorcycle ito...pero ano ang gagawin natin dito?" nagtataka pa rin ang tono ng pagtatanong ko.

"Malamang sasakyan natin!" sagot na naman niya ng seryoso habang hinahanda ang motor.

Hurtful Truths Behind LiesWhere stories live. Discover now