Chapter 21

42 3 2
                                    

Belle's POV

Ha? Seryoso siya? He likes me? Talaga ba? Nahhh! I can't stand with it. Para akong sinasakal sa ambiance ngayon. I am not comfortable here while standing and talking to Axl.

"Axl, stop joking! Anong seryoso ka diyan? Ako? Ako...gusto mo? Are you out of your mind?" asik ko habang nakaharap sa kaniya at umiiling.

"May mali ba doon? Mali ba na gustuhin kita o...mahalin ka?" his sound decrease as he say the word 'mahalin ka'.

"Oo, mali! Hindi pwede!" kalmado ko pang sabi. Ewan ko na lang kung gustuhin mo pa ako kapag nalaman mo kung ano ang pakay ko sa 'yo at sa ama mo.

"Bakit hindi? Anong rason?"

"Basta hindi pwede...and besides, I can't like or l-love you the way you do. Magkalaban ang mga mundo natin!"

"Alam ko! I'm aware of that, Belle!"

"Hindi, Axl! Hindi mo alam kung ano ang ibig kong sabihin!" Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Natatakot ako na baka madulas ako sa mga sasabihin ko. Baka hindi ko mapigilan ang lumabas sa bibig ko.

"Yeah, I do!" matigas at buong lakas niyang sagot.

"Axl, this is different from what you think." Pilit ko mang ibahin ang pananaw niya, sa palagay ko ay malabong magawa ko iyon.

"Belle, kapag sinabi kong alam ko, alam ko talaga. I'm not here just to make you feel impressed about me! I am well aware on our own worlds!"

Teka lang! I have this awkward feeling.

Does he know my job? My intention to him and to his father? And my objectives?

"Okay! Mapilit ka! But one thing is for sure! Liligawan mo ba ako? Kung oo, pasensiya ka dahil sigurado ako na wala kang mahihita sa akin. Wala kang makukuhang matamis na oo mula sa bibig ko. Ayokong makasakit ng damdamin ng ibang tao at lalong-lalo na, ayokong masaktan ang sarili kong damdamin! Iyon lang!" ani ko ng diretso at walang paligoy-ligoy.

"So, you are letting me to court you?" His serious face turned into happy one. His lips curved almost ear-to-ear.

"Still, No! I have no time for such romantic thing!" As I said my line, bumalik ang pagkaseryoso ang kaniyang mukha.

I felt bad for him. I'm sure I made him feel disappointed. Eh anong magagawa niya kung ayaw ko at ayaw ng p-pu...so ko?

"Yes!" pagtutol niya.

"No!" ako.

"Yes! And you can't do anything with it. Nararamdam ko ito at hindi mo pwedeng pigilan! Period!" He is too determined, ha! Nice!

Wala na akong maibato pang linya sa sinabi niya nang mapaisip ako.

"Saglit nga lang! Gusto mo bang batukan kita? Eh mas may desisyon ka pa sa akin, ah! Hindi nga ako payag, hindi ba? Eh bakit mas maalam ka pa sa akin? Gusto mo ba ng gulo? World War III ba ang hanap mo?"

"I don't really care! You can't stop me from loving you. Payagan mo ako o hindi, liligawan kita!"

Para kaming aso at pusa nagbabangayan. Para kaming mga bata na nag-aaway dahil sa isang laruan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano pa kami ngayon makapagsasaya sa plano niyang road trip. Ang awkward ng sitwasyon namin sa kasalukuyan.

No one insisted again to start a conversation.

Para mawala ang awkward feeling ko, nagsimula ako na maglakad sa pinong buhangin ng beach. Pinakiramdaman ko kung susunod ba siya sa akin pero mabuti na lang at hindi.

Tama pa ba itong ginagawa ko? Napatanong na lamang ako sa aking isipan. Kung talagang gusto ko nang hindi na siya makita, sana ay nagpumiglas ako nung una pa lang na pinasakay niya ako sa sasakyan niya. Kung talagang wala akong pakialam sa kaniya, sana ay hindi ko na pinakinggan ang pakiusap niyang mag-stay muna ako dito kasama siya. Kung talagang hindi ko na gustong makasama siya, eh bakit nandito ako ngayon? Sana ay nagpumilit akong umuwi.

It's too complicated. My plate is too full para dagdagan ko pa ng ilan pang putahe. Parang kahit busog na ako ay gusto ko pa ring sunggaban. Kahit ayaw na ng tiyan ko ay gusto pa ng bibig ko. Ganoon din ang mga iniisip ko. Patong-patong na problema na ang mayroon ako pero gustong-gusto pa rin ng utak kong i-entertain ang mga problema at isiping dulot ni Axl. Ganoon kakomplikado.

"Belle!"

Ay gago! Bwisit talaga 'tong gunggong na 'to!

"Axl, bakit ba?" napatanong ako ng seryoso.

"Anong bakit ba?"

"Bakit palagi ka na lang uultaw sa tabi ko tapos babanggitin bigla ang pangalan ko? Nature mo ba talaga 'yan?" Napabuntong hininga na lamang ako. "Kung siguro may sakit ako sa puso, baka ilang beses na akong namatay!" asik ko.

"Sorry! But Belle... can we just talk seriously!"

Aba! Seryoso naman ako, siya lang talaga 'tong lumiliko ang pag-iisip.

"Seryoso ako! Ikaw ang hindi!" iniwas ko ang paningin sa kaniya at saka pinaikot ang eyeballs ko. Tsk!

"Okay! I'll gonna be straight to the point now!" his face turned into a serious way possible, the most possible way his face can.

Kanina  pa niya binabanggit na may sasabihin siya. Akala ko iyon lamang pagtatapat at pagsasabing liligawan niya ako. But this time, it is kinda different. He look so tense and I can sense that he can't pin a right time when to start what he's about to tell.

"Please be straight on what do you want to spill! Masyado mong pinatatagal!" I said! I think it's a good starting point para masabi na niya ang kanina pang sasabihin.

"It's about your work! About your mission. Your real objectives." He said, staring me so thick.

"W-what did you say?" tanong ko at saka nag-iwas ng tingin sa kaniya! What did he just say? So, alam niya kung ano talaga ang pakay ko. But how? I'm sure that I didn't let my guard down when I was still at their mansion? Sinigurado ko na bawat galaw ko ay safe and secure.

Ah! This is an addition to my problems. Well, hindi pa naman ako nakasisigurado sa sasabihin niya. Masyado lang siguro akong nag-o-overthink.

—•—

#HurtfulTruths
Follow.Comment.Vote.

Hurtful Truths Behind LiesWhere stories live. Discover now