Chapter 15
"Hindi ba't sinabi ko na sayo? Magboyfriend ka kung tapos ka na ng pag-aaral mo! Alam mo namang hirap na hirap na akong magpa-aral, anak. Paano kung mabuntis ka? Hindi ka papangatawanan ng Calev na 'yon, Amara! Sa tingin mo ba, papayagan pang mapalapit sa iyo si Calev ng mama at kapatid nya? Anak naman. Sana naman marunong kang sumunod sa utos ng magulang. Ang gusto ko lang naman eh maging maayos ang hinaharap mo, ninyo ni Thea."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinasabi ni Mama. Pag-uwi na pag-uwi ko ay sinabi ko agad sa kanya ang lahat. Pwera nga lang doon sa part na may nangyari sa amin ni Calev. Nakakahiya kasi syempre.
"Basta't huwag na huwag mo akong iiyakan kapag sinaktan ka ng lalaking 'yan. Sinasabi ko sayo, Amara. Papaiyakin ka lang n'yan. Alam ba 'to nina Lucho?" Umupo si Mama sa sofa saka minasahe ang kaniyang sentido.
"Kanina lang po, Ma." Mahina kong sabi, tamang lakas lang upang marinig ni Mama. Feeling ko ay umurong ang dila ko dahil ngayon lang niya ako napagsabihan ng ganito.
"Sumasakit ang ulo ko sayong bata ka. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Ma'am Calixta? At anong sasabihin ng mga katrabaho ko doon sa kumpanya? Na hinuhuthutan mo si Calev? Na hinahayaan kitang maging gold digger? My God, Amara. Hindi ko yata kayang marinig na lait-laitin ka ng ibang tao. Okay nang ako na lang, anak. Kaso hindi natin mapipigil ang matatabil ang dila at mga tsismosa." Mangiyak-ngiyak na si Mama. Pareho kaming balat-sibuyas.
"Simula ngayon, grounded ka muna. One week, no phone, no TV, no laptop, no boys. Wala munang gala-gala. Manahimik ka dito sa bahay. Alagaan mo 'yong kapatid mo." Nagwalk-out na si Mama at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Narinig ko pang suminghot siya kaya't alam kong umiiyak sya. Nahihiya naman akong lapitan sya at yakapin dahil hindi naman ako clingy at showy na katulad ni Thea.
Dumiretso si Mama sa kwarto nila ni Thea sa baba saka isinara ang pinto. Bakit ganoon? Isang taon na lang ay graduate na ako. Magiging engineer na ako pagkatapos ng board exam at agad-agad na maghahanap ako ng trabaho. Bakit ganoon? Ilang taon na ba ako para hindi payagang mag-boyfriend ni Mama? Sya nga, bata pa nag-asawa na. Pero ako boyfriend lang, hindi pwede?
Patakbo akong umakyat sa kwarto ko at doon nagmukmok. Sinabi ko na rin sa group chat namin (kung saan nag-leave si Lucho) na grounded ako at hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay kung hindi magtatapon lang ng basura at magdidilig ng mga natuyong halaman ni Mama sa labas tuwing umaga. Sinabi ko rin sa kanila ang mga restrictions at pati ang cellphone ko ay kukunin ni Mama even yung laptop.
Hindi ko na nagawa pang imessage si Calev dahil maya-maya pa ay nasa pintuan na ng kwarto ko si Mama at nag-aabang roon upang kuhanin ang cellphone at laptop ko.
Pinatay ko na ang phone ko at iniabot kay Mama. "Sorry, Ma." Sabi ko pero tumalikod na sya agad at bumaba na ng hagdan. Nang buksan ko ang bag ko ay nakita ko ang pills na binili namin ni Calev kaninang umaga. Nasa loob pa iyon ng maliit na brown paper bag saka dali-dali kong ininom ang isa.
Maya-maya pa ay humiga na ako sa kama at natulog.
***
Kinabukasan ay Linggo. Namamaga ang mata ko habang nagdidilig ng halaman dahil sa kaiiyak kagabi. Hindi pa rin ako pinapansin ni Mama simula noong magising siya hanggang sa kumain kami ng almusal at hanggang sa pag-alis niya para mag-grocery doon sa bayan.
Maya-maya pa ay nagulat na lang ako ng makita kong may humintong sasakyan sa harap ng compound namin. Itim na SUV. Si Greyson 'to. Anong ginagawa nito dito?
"Greyson, saan ang punta mo?" bati ni Kuya Boy na palaging nakatambay sa daan at naninigarilyo. Kilala na ng mga tao dito ang mga kaibigan ko kaya't kapag nakikita nila ang mga ito ay binabati nila na parang kamag-anak na rin.
BINABASA MO ANG
For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)
RomanceStory number 1 for the Colegio Series, entitled: For The Love of Hargrove. A joint collaboration of MoonstarSolar (formerly known as SugarGoddess), Shin Chann, and unknownauthorofabcy. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2020, 2021- The m...