T

23 6 3
                                    

Chapter 4


At dahil sa marupok ako, napapayag ako nitong si Calev na sumabay sa kanya papunta sa hardware kung saan ako bibili ng extension na pinapabili ni Mama.

As usual, walang parking space sa Balanga kaya nagpababa na lang ako sa kanya dito sa Galleria Victoria.

"Wait." Pigil nya sa pagbaba ko ng sasakyan. "Fasten your seatbelt, I'll go with you."

"What? No, hinatid mo na nga ako eh." Pag-angal ko. Alam ko naman yung salitang 'hiya' ano. Napapa-english din tuloy ako 'pag kausap ko ang lalaking 'to.

"No, I insist." Sabi naman nya.

Inikot nya pa ang daan dahil nasa No U-turn spot kami. Pumasok ang sasakyan sa underground parking ng mall saka kami bumaba nang makapag-park na siya roon.

Straight-forward akong tao pero pagdating kay Calev nahihiya ako. Siguro dahil kakikilala lang namin at pang-tropa na agad itong ginagawa namin. Siguro dahil na rin sa crush ko sya at crush din nya ako. Sabi ko. Hehe

Nang makarating kami sa Handyman ay dumiretso ako sa isang clerk para magtanong ng extension. Nakasunod lang naman si Calev sa akin.

At nang babayaran ko na ang binili ko ay inunahan na niya ako sa pag-abot ng bayad. Card nga lang ang mode of payment nya. Ang yaman naman ni koya. Version 2 ni Lucho, ganern? Sabagay, naka-sports car eh.

"May pambayad ako." Sabi ko dahil nakalabas na rin naman yung pera sa wallet ko.

"I insist." Sabi na naman nya.

"Ha? T-Thank you." Sabi ko naman.

"Was this all you want to buy?" Tanong nya habang hawak sa kamay ang paper bag na akala mo eh napakabigat ng laman dahil sya pa ang nagdala.

"Oo. 'Yan lang naman ang pinapabili ni Mama eh." Sabi ko naman.

Nararamdaman kong may gusto sana syang sabihin ngunit hindi nya itinuloy at itinuon na lang ang pansin sa paglalakad pababa sa hagdan.

"O, dito na lang ako. See you when I see you." Paalam ko at inilahad ang kamay sa kanya para iabot niya ang paperbag na hawak.

Tinitigan lang nya ang kamay kong nakalahad sa harapan nya.

"Uhm, yung paperbag?" Sabi ko in case na lutang s'ya at hindi alam kung bakit nakalahad ang palad ko sa kanya.

"No, ihahatid na lang kita." Sabi na naman nya.

Hala. Kilig.

"Hindi na. Nakakahiya naman." Pabebeng sabi ng lola nyo. Nahiya tuloy ako. Naaalala ko pa rin kasi yung moment na nakita n'yang may tagos ako!

"Let's go." Sabi nya saka hinatak ako sa kamay pababa sa underground parking.

Tahimik akong sumakay sa passenger seat at nagsuot ng seatbelt. Sumakay na rin sya sa loob at pinaandar na ang sasakyan.

"Iliko mo d'yan sa kanan." Sabi ko dahil itinuturo ko ang daan papunta sa amin.

"Ayan, dito na lang sa tabi." Sabi ko nang makarating na kami sa harap ng compound.

Kinuha ko na ang paperbag at inalis ang seatbelt ko. "Thank you ha, dito saka sa paghatid." I said sincerely.

"You're welcome." Sabi nya naman ng nakangiti. "Can I take you home tomorrow again?"

Luh. Ano daw bhie?

"Ha? Bakit?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko. Naguguluhan kasi ako. Bakit pinuntahan n'ya ako sa school ngayon? Bakit sinamahan n'ya akong mamili ng extension? Bakit hinatid pa n'ya ako sa bahay namin?

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon