R (R-18)

4 0 0
                                    

WARNING: Mature scenes ahead. Skip to Chapter 18 if you're NOT 18 years old and above.

Reader discretion is advised.

Chapter 17


"Nasaan si Knox?" Tanong agad ni Lucho. Alam nyo naman yun, napakamainitin ng ulo. Akala ko eh mapatay ni Knox si Calev noon. Pinipigilan lang namin sya tuwing napag-uusapan ang tungkol doon at nag-eemote ako tuwing nag-iinuman.

"Nasa room, kinakalma ni Sky. Uwi ka muna, Amara. Hindi maganda atmosphere dito para sayo." Ramdam sa tono ng boses ni Grey ang pag-aalala. Alam nila kung gaano ako nasaktan noon.

"Let's go home. Sumabay ka na muna samin ni Theo," pagp-prisinta ni Lucho.

"Hindi. Kaya ko naman. I know this moment will come. Kakalmahin ko lang ang sarili ko. Hanggang kailan ba naman ako magtatago at iiwasan sya? Hindi ako duwag katulad nya." Kung makakaharap ko man sya, sa tingin ko ay kaya ko naman. Hindi ko kailangang matakot dahil una sa lahat, siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito.

"We should go. Tara na at umalis na tayo dito," si Lucho na ang nagligpit ng mga gamit ko. Yung mga plano at documents na kanina ay nakakalat sa table, inayos na rin nya at dinala palabas ng pinto. "Theo, come. Hatid natin si Tima sa house nila."

"Yey! I'm going to see Tithea." Tita Thea kasi yon. Naging Tithea dahil bulol pa si Theo. Haha

"Let's go," I smiled at him. Hinawakan ko sya sa kamay at nagpaalam na kami kay Grey.

"Amara! Love! Please, talk to me!" Umaalingawngaw ang boses ni Calev sa buong wing na ito. I fought the urge to look back. I walked through the glass door of the hospital with Lucho and Theo on my hand.

Lucho and Theo rode on his car while I was alone. Fighting the urge to cry as I drove back home.

Nag-hi saglit si Theo kina mama at Thea na favorite nyang kalaro. After that, umuwi na sila. Parang ayaw pa ngang umuwi ng mag-ama. Nakailang tanong si Lucho kung gusto ko daw bang dito na sila matulog na mag-ama. E syempre marites pa rin ang mga kapitbahay ng beshy nyo. Mahirap na.

Hindi ako makatulog kinagabihan. Nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin. Yung trabahong inuwi ko, nagawa ko na lahat. Tapos na lahat. Feeling ko ay may naglalarong butterflies sa loob ng tyan ko. Alam nyo yung feeling na hindi mapakali? Yun yon. God, I hate it. I hate this feeling. Anong gagawin ko?

Saktong patulog na ako, ay may narinig akong humintong sasakyan sa harap ng bahay namin. Tumingin ako sa oras sa phone ko. Pucha, 3 A.M.

Kinilabutan ako. Oras ng mga demonyo.

"Amara!"

Napapitlag ako. Tang ina sino 'yon? Demonyo?

"Amara, labasin mo 'ko! Please!" May pagkatok pa ng barya ang punyeta.

Sa kahihiyan kong magising sila mama at mga kapitbahay, nilabas ko sya.

He automatically smiled nang makita nya ako sa harap ng pinto. Binuksan ko yung maliit na silipan sa gate namin para doon na lang sya kausapin, kasi naman!

"Labas ka dito." He was pouting. Punyemas.

"Ano ba kasi yon? Tapos na tayo Calev. Matagal nang panahon." Hindi pa rin ako lumalabas ng gate at patuloy na kinakausap sya sa maliit na butas doon.

"Amara!" Sigaw pa ulit nya. Papansin ang walanghya. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang buksan ang gate at harapin sya.

"Ano bang problema mo, Calev?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon