O

15 6 6
                                    

Chapter 11

Pumasok ako sa school ng kinakabahan.

Paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko na nanliligaw na si Calev sa akin ngayon?

Baka kung anong isipin nila. Natatakot ako.

Mamaya ay susunduin ako ni Calev sa hapon. Kakain daw kami sa labas. Bukas kasi ay tour na nila sa Manila. Sa isang araw pa daw sila makakauwi.

Una kong nakita si Lucho na kausap si Lester na ka-team niya sa basketball. Kumakain sya ng burger doon mismo sa tabi ng burger stand sa loob ng school.

Mukhang may practice sila ng maaga. Katabi kasi ng gym ang maliit na tindahan na may burger stand sa tabi. Naka-jersey uniform rin sila at may mga towel sa balikat.

Punung puno ang mga upuan sa tabi ng burger stand. Halos lahat ay mga estudyanteng babaeng nagpapa-cute sa mga basketball players ng campus.

"Amara!" Kaway ni Lucho sa akin saka nagpaalam saglit kay Lester. Tumango naman si Lester sa kanya at sa akin.

"Morning. Nasaan sila Avery?" Takang tanong ko. Himala kasi dahil kung walang klase ng first subject ay nandito ang mga iyon sa burger stand, lumalamon.

"Nasa McDo. Hindi ka ba tinext?" Nagtatakang tanong nya. Tinignan ko ang cellphone ko sa loob ng bag.

"Shit." Napamura ako dahil naiwan ko sa bahay yung cellphone kong binunot ko sa pagkaka-charge kanina. "Pwedeng patawag? Tawagan ko lang si Mama. Check ko lang kung naiwan ko phone ko sa bahay o baka mamaya nalaglag pala sa tricycle kanina."

"Sure, you wait here. Kunin ko lang sa locker. Wait lang." Sabi naman nya saka nagmamadaling tumakbo palapit sa locker nya, malapit sa Student Government building. "O eto." Iniabot nya sa 'kin yung phone nya at dali-dali ko namang dinial ang number ni Mama.

Napatingin ako sandali sa kanya at napansin kong dala-dala na nya yung bag nya at inilabas ang susi mula roon. Saan pupunta 'tong taong 'to? May practice sila 'di ba?

Matapos kong tawagan si Mama ay naconfirmed ko ngang naiwan ko sa bahay ang phone ko.

"O, ano? Naiwan mo ba sa inyo?" Tanong ni Lucho.

"Oo daw. Sige balikan ko muna. Tapos diretso na ako sa McDonald's."

"No, ihahatid na kita. Hassle pa 'yun kung mamamasahe ka."

"Uy, gago may practice ka pa." pagpigil ko sa kaniya dahil baka pagalitan sya ng coach nila 'pag nalamang umalis sya sa practice.

"Tapos naman na. Sermon na lang ni assistant coach ang hinihintay." sabi ni Lucho saka ako inakbayan at nagpaalam na sya kay Lester, "Pre, alis muna 'ko! Ikaw na bahala d'yan!"

"Ha?" parang nag-panic bigla si Lester.

Hinatak naman na ako ni Lucho paalis doon kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. "Sure ka hindi ka malalagot kay Coach?" Tanong ko sa kanya nang makasakay na kami sa sasakyan nya.

"Wala naman si Coach, si Sir AJ daw muna ang mag-coach sabi nya kanina sa tawag." Kibit-balikat niyang sabi. "Practice lang naman, meron ulit mamayang hapon."

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon