O

15 8 3
                                    

Chapter 8

Katanghaliang tapat ng Linggo ngayon at wala palang pasok si Mama. Isasama na lang daw nyang magsimba mamayang hapon si Thea. Kagabi pa ako nakapagpaalam pero may kondisyon siya. Kailangang may sumundo sa aking isa kina Avery or else hindi nya ako papayagang umalis dahil baka si Calev na naman ang kasama ko.

Ang dami nyang sinabi. Either baka daw mamaya ay mabuntis ako ng maaga at hindi ako makatapos ng pag-aaral. O kaya ay baka itanan ako ni Calev at mas lalong hindi ako makatapos. Papunta pa lang daw ako, pauwi na sya. Ang nega ni Mama! Feeling ko wala siyang tiwala sa akin eh.

Ayoko namang sumakay sa motor ni Knox dahil takot ako sa mabibilis na sasakyan at feeling ko eh malalaglag ako anytime na umandar ang motor ni Knox.

Sinabi ko na rin sa group chat namin ang kondisyon ni Mama. At dahil wala si Lucho, napagpasyahang si Greyson ang susundo sa akin since wala akong tiwala kay Knox. Mahal ko pa ang buhay ko no.

"Tao po! Tita, pabiling yelo!" Walang pakundangang hiyaw ni Greyson sa labas ng pintuan namin. At dahil nagsesepilyo pa ako, si Mama ang nagbukas ng pinto.

"O, Greyson. Pasok ka, nagsesepilyo pa si Amara." Sabi naman ni Mama nang tatawa-tawa. Nang-uulol na naman kasi itong si Greyson.

Naka-navy blue shorts lang sya at V-neck na white shirt, suot rin nya yung favorite nyang white Vans na slip on. "Tita, parang habang nagtatagal, mas bumabata ang itsura mo. Mukhang mas matanda na si Amara sayo." Sabi ng walanghiyang si Greyson.

"Pogi mo today." Sabi ko sa kanya saka tumalikod para magmumog.

"Bagal mo today." Sabi naman nya saka pumunta sa mesa para kumuha at kainin yung hotdog na nakahain doon. Kaya inuuto si Mama para makalamon.

Umirap lang ako sa kanya saka nagpunas sa face towel na nasa gilid. Kanina pa ako nakabihis eh. Nagtagal lang dahil ka-chat ko si Calev. Hehe

"Tara na, Grey. Ma, alis na po kami." Nagpaalam na ako kay Mama at hinatak na si Greyson na ra-round two pa sa hotdogs na nasa plato.

"Thea, anong gusto mong pasalubong?" Tanong ni Greyson kay Thea na busy sa panonood ng T.O.T.S.

"Baby! Gusto ko baby, Tito Gwey!" Rinig ko namang sabi ni Thea saka humabol hanggang sa may pinto pero hindi na siya lumabas.

Na-shock pa nga si Greyson dahil akala nya eh gusto ni Thea ng totoong baby. "Eww." Sabi pa nya saka ako tinignan ng masama.

"Baby Alive kasi yung ibig nyang sabihin. Ito, kung anu-ano iniisip." Sabi ko sa kanya habang umiiling-iling.

Sumakay na kami sa kaniyang 4x4 na Land Rover. Nagmaneho na siya papuntang Vista Mall.

"Nasabi na ba sayo ni Avery yung iti-Tiktok natin? Ako praktisado ko na, kagabi pa." Pagmamayabang ng asungot na ito. "Pinagawan pa namin ni Knox ng cardboard na statue si Lucho. Para kahit wala yung katawang tao nya  sa video, nandun pa rin sya."

Natawa na lang ako sa mga kalokohan nila. Naikwento rin ni Greyson na gumawa pa sya ng tarpaulin na dadalhin namin bukas sa school. Alam nyo yung mga itsura ng tarp sa lamay kapag may namatay? Ganun yung itsura. May picture ni Lucho sa gilid habang blue sky na may clouds ang background, habang ang nakasulat ay, 'Happy Birthday Lucho, we love you!'

Nang makarating kami sa Vista ay nagpark sya agad sa harapan. Pagdating namin sa HD1 ay nandoon na pala yung tatlo. Kami na lang ni Grey ang hinihintay.

May mga alak na sa table at sinisimulan nang lagukin ni Rosé ang alak na nasa harap nya. "Anong problema nito?" Tanong ko sa kanila saka sabay-sabay na nagkibit balikat at sinabing hindi nila alam.

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon