H

24 9 1
                                    

Chapter 5

Pagpasok ko sa school ay sinalubong kaagad ako ng mga kaibigan ko dahil magbabayad kami ng tuition para sa second semester.

Naalala ko yung sinabi ko kay Lucho kahapon. Nakakahiya. Alam ko namang concerned lang siya sa akin pero sinagot ko pa rin sya ng pabalang.

Kasama namin sya pero hindi siya nagsasalita. Minsan makikita ko na lang sa peripheral vision ko na nakatingin sya sa 'kin pero paglingon ko ay nakatuon na ang pansin sa ibang bagay.

Kaya mas lalo akong nakonsensya! Silent treatment ang ginagawa nya sa 'kin kaya heto ako ngayon, nakatulala at hinihintay tawagin ng cashier ang mga pangalan namin isa-isa.

"Hoy, bakit hindi kayo nagpapansinan?" Pagbasag ni Knox sa katahimikang nababalot sa gitna namin ni Lucho na ngayon ay ibinuhos na lang ang atensyon sa paglalaro ng Mobile Legends.

Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit ka nawala kahapon, Amara? Alam mo bang hinahanap ka namin kung saan ka pumunta at konting konti na lang talaga ay tatawag na ako sa 911? Sa susunod na aalis ka 'pag magkakasama tayo, magpapaalam ka ha?!" OA na sabi ni Rosé.

"Tapos dadating pa itong si Lucho na akala mo kung sinong nalugi. Iyon pala hinabol ka at--"

"Mr. Greyson Macalinao." Sabi ng cashier na pumutol sa litanya ni Grey.

Parang bigla naman akong nahiya sa ginawa ko kahapon. Nakokonsensya tuloy ako lalo.

"Don't mind them." Sabi ni Lucho habang naglalaro pa rin doon. Ako ba kausap nya? Sabagay magkatabi kami, alangan namang si Avery dahil busy si Avery sa pakikipag-usap sa phone nya.

Hindi ko alam kung galit ba sya, naiinis, o ano eh.

Tumahimik lang ako at tumingin na lang ulit sa bintana ng cashier na kusap ngayon ni Greyson.

Napatingin ako sa tabi ko. Itinabi na ni Lucho ang phone nya sa loob ng bag at parang may hinahanap.

"Mr. Knox Villamor." Nagsimula na ulit magtawag ang cashier. Lumapit si Knox at umupo naman si Greyson na may dalang resibo. Pinicturan nya yung resibo at sinend ito sa mama at papa nyang nasa abroad.

Natapos na kaming magbayad at dumiretso na kami sa building namin.

Habang wala pa ang prof ay nagkakasatan ang mga kaibigan ko doon sa likod.

May seating arrangement kami kaya katabi ko ulit si Lucho Illana dahil Ibañez naman ang apelyido ko. Kaya siguro naging magkaibigan kami ay dahil palagi kaming magkatabi sa seating arrangements nung high school.

May inabot sa akin si Lucho na nakakahon. Maliit pero mahabang kahon na itim. "Ano 'to? Ipapasa ko ba? Kanino?" Tanong ko.

"Sayo." Sabi naman nya.

"Sa akin? Bakit?" Inalug-alog ko ang kahon pero di ko masyadong marinig kung ano ang nasa loob.

Binuksan ko naman dahil sa akin daw eh. Pagbukas ko ay isa pala iyong gold bracelet na may heart, stars, and moon na mga palawit.

Bakit naman nya ako binibigyan ng ganito?

"Hoyyy sana all!!!" Hiyawan ng mga kaklase kong maloloko. Nakita kasi nilang binigyan ako ni Lucho ng bracelet.

Hinawakan ni Lucho ang kamay ko saka isinuot ang bracelet roon. "Sorry na. Bati na tayo." Sabi nya habang nakapout pa.

"Hindi mo bagay Lucho. 'Wag ka na ulit magpa-pout ng ganoon ha?" Iritadong sabi ko.

"Iba talaga 'tong si Ledesma! Para-paraan." Sabi ng isa sa mga pinakamaloloko na si Joco.

"Anong meron?" Sabi ni Knox na kapapasok lang ng room dahil nag-CR muna.

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon