R

25 9 3
                                    

Chapter 3


Pagdating ko sa room ay lima pala kaming late at hindi makapasok dahil terror si Mrs. Naval at nakasarado ang pinto. Nagyaya ang isa kong kaklaseng si Mia na mag-lugaw muna doon sa may gym. Kaya heto kami ngayon, naghihintay matapos ang klase ni Mrs. Naval saka kami sasabay sa mga kaklase namin sa pagpasok sa next subject.

"Gurl, si Calev daw ng Letran nandito kanina? Na-sight mo ba, gurl?" Tanong ni Mia kay Rivah na kumakain ng goto.

"Hindi ko nakita, gurl. Hindi ba mas nauna ako sayong pumasok? Hindi mo nakita, e 'di hindi ko rin na-sight!" Sagot naman ng isa.

Paano nila nakilala 'yung lalaki na 'yon?

"Kayo, puro kalandian ang nalalaman n'yo." Komento naman ni Vince na kasama rin naming na-late sa klase. Kasama sya ni Lucho sa basketball team.

Umirap ang dalawa saka tuloy lang sa kwentuhan.

"Instagram star 'yun, Vince. 'Di mo iyon reach." Pabirong sabi ni Rivah.

"Don't care." Ginaya sila ni Vince sa ginawang pag-irap sa kanya kanina. Tahimik lang si Jacob na nakikipag-video chat sa syota nya habang kumakin ng goto with egg.

Instagram star pala ha.

Kinuha ni Mia ang phone nya at kinatikot iyon. Sumilip si Rivah saka sabay silang tumili.

Napahawak ako sa puso ko sa gulat dahil bigla-bigla na lang silang sumisigaw.

"Pucha naman yung lalamunan nyong dalawa!" Reklamo ni Vince dahil nagulat din sya.

"OMG! Tignan mo yung post ni Calev. Sino kaya yung pinunta nya dito? Ang sabi daw may hinihintay sya eh." Sabi na naman ni Mia.

"Tara na Vince." Yaya ko kay Vince na any minute eh magsusuper saian na roon dahil sa inis sa dalawa.

Ayoko na rin namang makarinig ng tungkol sa Calev na 'yon. Umagang umaga eh binadtrip ako.

Sayang ang kagwapuhan kung ganun ang ugali. Anong sabi nya kanina? Na akala daw nya eh katulad ko yung iba na ite-take for granted ang paghingi nya ng apology? Ano sya? Si Lord?

Pero kung iisipin mo, nakakakilig na hinintay nya talaga ako sa labas ng school hoping na makikita nya ako sa dami ng estudyante ng BPSU.

Iba rin ang lalaking 'yon ah.

Umalis na kami ni Vince at iniwan yung dalawang maingay pati na rin si Jacob na walang pakialam sa paligid basta kausap ang girlfriend. Sana all. Royal.

Habang naghihintay ay naglaro muna kami ni Vince ng Call of Duty. Dito muna kami tumambay sa building ng CICT.

After an hour ay lumabas na si Mrs. Naval ng class room. Hindi pa namin natatapos ang multiplayer mode ay tumakbo na kami sa kabilang gawi para hindi kami makita ni Mrs. Naval.

"Nyare? Bakit late?" Tanong ni Rosé habang nakaharap sa compact mirror na araw-araw nyang dala.

"Wala." Sabi ko na lang. Hahaba kasi ang usapan at ang ending mabubwisit lang ako.

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon