L

17 8 4
                                    

Chapter 7

Dumating si Lucho pagkatapos ng ilang minuto.

Nandito pa rin kami ni Calev sa labas ng ospital. Sasamahan raw muna niya ako habang naghihintay kay Lucho.

Bumaba si Lucho ng sasakyan at hinawakan ako sa kamay. "Let's get you home." Sabi nya habang masama ang tingin kay Calev. Naka-uniform pa din siya at halatang hindi pa dumiretso pauwi sa kanila.

"Wait. Calev, this is Lucho. Lucho si Calev." Pakilala ko sa dalawa.

Tumingin si Calev sa kamay kong hawak pa rin ni Lucho. Inalis ko naman 'yun agad dahil baka ma-misinterpret nya at akalaing namamangka ako sa dalawang ilog. I would never do that. Lucho is really just my best friend. And besides, may crush sya sa isa sa mga kaibigan nya hindi ba? I'm actually thinking he has a crush on Avery. Hehe

Lucho is quite protective just like Knox and Greyson. Tumatayo talaga silang mga kapatid na lalaki para sa akin. That's why aliw na aliw si Mama sa mga ito pati na rin kina Avery at Rosé.

Tinignan ako ni Lucho na parang hindi makapaniwala saka ako inirapan. Tumango lang si Lucho kay Calev at sumakay na sa sasakyan.

"Bye, Calev. Uwi na ako. Update mo ako tungkol sa kapatid mo, okay? Everything's gonna be alright. Trust me." Sabi ko saka siya tinapik ng marahan sa balikat.

*beep-beep!*

Binusinahan na ako ni Lucho. Napapitlag pa nga ako eh. Lintik na Lucho 'to. Ngumiti na lang ako kay Calev saka nagpaalam na at sumakay sa sasakyan ni Lucho nang nakasimangot.

Tumingin muli ako kay Calev na ngumiti sa akin at nag-wave. Nag-wave rin ako sa kanya hanggang sa paandarin na nga palayo ni Lucho ang sasakyan.

"Kaya ko namang umuwi mag-isa, bakit may pagsundo pang nagaganap?" Tanong ko kay Lucho dahil naiintriga ako kung bakit ako pinapasundo ni Mama. Hindi naman ako pinapasundo ng nanay ko noon eh.

Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya ng diretso sa kalsada at mariing nakahawak sa steering wheel ng sasakyan.

"I thought nakauwi ka na. Why are you with Calev?" Tanong niya sa akin.

"Eh bakit ka ba pumunta sa amin? Wala ka na naman bang kasama sa bahay nyo? O wala kayong ulam? Nag-absent na naman ba si Manang Rosalie? 'Di ka ipinagluto?" Sunud-sunod na tanong ko. I'm really confused bakit ako madaliang pinapauwi ng nanay ko.

"I went to your house kasi gusto kong samahan mo akong i-spend ang Friday afternoon dahil aalis ako tomorrow for a shoot in Manila. I'll be back at Monday morning at didiretso na ako sa school non. However, you were with that boy, doing God knows what--"

Pinutol ko na ang litanya nya. Ano bang akala nya? Ano bang iniisip nyang ginagawa namin ni Calev? We're in a fucking hospital, for God's sake! Ano bang ginagawa doon? Lumalandi?

"Calev is a man. Stop calling him a boy, kayo ni Knox, you always call him a boy. And I'm sorry, hindi ko alam na aalis ka, sana sinabihan mo agad kami nila Avery, hindi ba? At anong iniisip mo? 'doing God knows what'? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko doon?"

Lucho turned the stick into neutral. Heavy traffic ahead of us. Uwian na kasi lalo na ng mga estudyante at nagtatrabaho kaya traffic na naman sa lungsod ng Balanga.

"We don't like that guy, Amara. We just want what's best for you. And it's not what I meant. Sorry if I offended you."

"Alam mo Lucho, sometimes you sounded like a possessive boyfriend. Tigil-tigilan nyo ni Knox yung pag-o-over think. Baka hindi na kami magka-boyfriend nila Avery at Rosé. Panay nyo na lang tinatakot yung mga lumalapit samin." Pagbibiro ko sa kanya to lighten up the mood. Kita ko na kasi yung ugat sa leeg nya at kanina pa sya naiinis. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin o sa traffic eh.

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon